Kelot dedbol sa pag-upak ng selosong scavenger

April 6, 2022 Jonjon Reyes 371 views

HINDI na nagawang maisalba ang isang 42-anyos na lalaki makaraang mapatay sa “bugbog” ng kapwa niyang scavenger sa Ermita, Maynila, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Joselito Pidlaon, ng Burgos St., Paco, Maynila at ang suspek na si “Ian Ilongo” na sinasabing responsable sa krimen na agad tumakas matapos isagawa ang nakamamatay na pambubugbog.

Base sa ulat na isinumiti nina PCpl. Jamie Balang at Det. John Paul Rojo kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)- Homicide Section, pasado alas-7:00 ng gabi nang maganap ang bugbugan sa panulukan ng Cornea St. at United Nations Avenue, Ermita.

Ayon sa saksing si Jerry Dizon, una niyang nakita na nag-iinuman ang biktima at ang suspek at makalipas ang ilang oras ay nakita nito na binubugbog na ng suspek ang biktima at nang bumagsak ang biktima sa kalsada ay saka tumakas ang suspek.

Batay sa ulat ng pulisya, nalaman ng biktima na “type” pala ng suspek ang kanyang nobya kaya nagtalo ang dalawa hanggang mauwi sa trahedya.

Agad naman na tinulungan ng ibang tambay na isugod sa ospital ang biktima subalit pumanaw na rin kalaunan.

Napag-alaman din ng pulisya na parehong scavenger o “mangangalakal” ang dalawa. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE