Matteo

Sarah patuloy ang pagiging hitmaker

August 21, 2023 Aster Amoyo 267 views

JLCSarahTATLO at kalahating taon nang may-asawa ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo pero hindi pa rin naibabalik ang kanyang magandang relasyon ng kanyang parents na sina Delfin at Divine Geronimo. Gayunman, hindi kailanman nagbago ang misis ni Matteo Guidicelli sa kanyang pagmamahal sa mga magulang.

In her 20th anniversary concert held at the Smart Araneta Coliseum nung nakaraang May 12, 2023 ay hindi kinalimutan ni Sarah na ihayag ang pagmamahal sa kanyang parents .

Ang awiting “Habang May Buhay” ni Wency Cornejo was dedicated to her father na si Delfin.

Ang pagbabalik ni Sarah sa concert stage ay first time niya as Mrs. Matteo Guidicelli. Her last concert on the same venue ay nung 2018 pa nung siya’ydalaga pa.

Maraming beses na ring nag-reach out si Sarah sa kanyang pamilya laluna sa kanyang parents pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap na siya’y may-asawa na.

Gayunpaman, Sarah continues to soar high pagdating sa kanyang singing career.

Sarah is a shy type off stage but transforms into a `wild fire’ performer on stage. Hindi lamang kasi singer-performer si Sarah but she’s also a very good dancer.

Ang kanyang sold-out May 12, 2023 20th anniversary concert at the Big Dome ay sinundan ng another sold-out back-to-back concert with Bamboo (also at the Smart Araneta Coliseum) last July 7, 2023.

After the two successful concerts in just two months, malamang na isunod na ni Sarah ang kanyang reunion movie with award-winning and box office actor, John Lloyd Cruz under Viva Films. Ito ang magiging 5th team-up nila ni Lloydie na apat na beses na niyang nakatrabaho in the past. Their team-up produced four box office hit movies na kanilang sinimulan ng “A Very Special Love” in 2008 na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina na sinundan ng “You Changed My Heart” in 2009 na pinamahalaan din ni Direk Cathy, ang “It Takes A Man and Woman” in 2013 (also directed by Direk Cathy) and “Finally Found Someone” in 2017 na dinirek naman ni Theodore Boborol.

Excited na ang fans nina Sarah at John Lloyd sa balik-tambalan ng dalawa which took five years after their last team-up in 2017.

Since may asawa na si Sarah G. at masaya naman ang lovelife ngayon ni Gerald Anderson, maging possible rin kaya ang balik-tambalan ng dating magkasintahan?

Sina Sarah at Gerald ay dalawang beses nagtambal nung 2011 na parehong tumabo sa takilya, ang “Catch Me, I’m In Love” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar at ang “Won’t Last A Day Without You” na dinirek naman ni Raz de la Torre on same year.

Sarah G. is not only a consistent hitmaker and crowd-drawer but she’s also a box office star kung pagbabasehan ang mga pelikulang kanyang ginawa at ipinalabas sa mgasinehan.

The pop superstar was last seen in a movie sa pamamagitan ng “Unforgettable” in 2019 na dinirek ni Perci Intalan na joint production ng Viva Films at The IdeaFirst Company.

Gela iba ang kinahihiligan

HiphopHiphopKUNG ang dalawang elder children ng seasoned actress-entrepreneur na si Sylvia Sanchez at mister nitong si Art Atayde na sina Arjo at Ria Atayde ay gumagawa ng sariling pangalan sa mundong kanilang ginagalawan bilang actor-politician at entrepreneur (for Arjo) at actress-entrepreneur (for Ria), ang nakababata nilang kapatid na si Gela (Maria Angela Campo Atayde), 21, ay nagi-excel naman bilang mahusay na hip-hop dancer.

Kamakailan lamang ay nag-champion si Gela and her Legit Status Crew sa World Hip Hop Championship 2023 sa Phoenix, Arizona, USA.

Gela and her dance crew performed last Sunday sa “ASAP Natin `To,” her first time to perform sa nasabing top-rating and long-running musical variety show ng ABS-CBN.

Ang hilig ni Gela sa pagsasayaw ay suportado ng kanyang parents and siblings. Pero sa kabila nito ay hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral ng Communication Arts sa De la Salle University kung saan din nag-aral ang dalawaniy ang nakatatandang kapatid na sina Arjo at Ria.

Cesar buung-buo ang pamilya ngayong lolo na

CesarCesar1Cesar2MAGKAIBIGANG muli ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz dahil sa kanilang tatlong mga anak na sina Angelina, Samantha at Franchesca.

When Cesar celebrated his 60th birthday nung August 1, 2022, it was his most memorable birthday celebration ever dahil halos kumpleto ang kanyang mga anak (except sa kanyang namayapang anak na si Angelo) na sina Diego Loyzaga (his son sa singer-actress na si Teresa Loyzaga) maging ang tatlo nilang anak ni Sunshine na sina Angelina, Sam at Cheska maging ang tatlo nilang anak ng kanyang present partner na si Kath na sina Lima, Samuel at Kristen at ang anaksa dating beauty queen, ang 2009 Miss Earth Philippines na si Sandra Seifert na si Coco (Corinthian), 6.

Nasundan ang pagsasama-samang ito sa 18th birthday ni Sam noong isang taon.

Sa darating na August 24 ay 19th birthday ni Sam pero hindi present ang kanyang parents dahil pareho itong may mga out-of-town commitments. Kaya nagkaroon sila ng advance birthday dinner kung saan naroon ang parents ni Sam na sina Cesar at Sunshine, her other siblings at malalapit na kaibigan.

Cesar has four grandchildren, dalawa sa kanyang eldest daughter na si Angela (sa kanyang late first wife), isa sa namayapang anak na si Angelo at ang pang-apat ay ang bagong silang na anak ni Diego.

AUTHOR PROFILE