Jolo

Baby girl, panganay nina Jolo at Angelica

August 21, 2023 Vinia Vivar 98 views

It’s a baby girl for Cong. Jolo Revilla and wife Angelica Alita-Revilla!

Nagkaroon na nga ng gender-reveal ang mag-asawa last Sunday na dinaluhan ng kani-kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa Instagram Story ni Jolo ay ibinahagi niya ang mga video sa naganap na gender-reveal, kabilang na ang mismong announcement part.

Mapapanood sa video na nagkaroon muna ng countdown at pagkatapos ay biglang may lumabas na pink smoke and confetti na senyales na girl ang gender ng first baby nina Jolo at Angelica.

Deklara ng host, “it’s a girl!” at masayang nagyakap ang mag-asawa

Matatandaang inanunsyo ni Jolo ang pagbubuntis ni Angelica nitong first week of August after more than three years of marriage.

Sa ngayon ay malapit nang matapos si Angelica sa first trimester ng pagbubuntis.

AUTHOR PROFILE