Default Thumbnail

Sabik lumabas at mamasyal

October 18, 2021 Vic Reyes 312 views

Vic ReyesTALAGA namang maraming sabik lumabas at mamasyal.

Kaya naman ng ibaba sa Alert Level lll ang National Capital Region ay dinagsa ng mga tao ang ibat ibang mall sa Metro Manila.

Maging ang mga restaurant, marami na ring customer kahit na 30% pa lang ang pwede sa dine-in at 60% naman sa al fresco.

Masaya ang mga tao. Ika nga, parang nakawala sa kural!

Maging ang mga pasyalang parke ay dinagsa rin ng mga tao.

Pati nga mga batang paslit ay isinama ng kanilang mga magulang.

Sana lang maging maingat pa rin tayo at patuloy na sumunod sa mga minimum health protocol na inilatag ng pamahalaan. Imoortantr ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield.

Huwag tayong magpabaya.

Bagama’t walang bagong “variant” ang namomonitor ng mga otoridad huwag tayo maging kampante.

Alam naman natin na mahigit sa 30 porsiyento pa lang ang fully vaccinated sa NCR.

Kasisimula pa lang din magbakuna noong Biyernes, Oktubre 15 sa mga batang edad 12 hanggang 17.

Kung sa Amerika nga na mahigit na sa 70% ang nabakunahan ay may mga ulat pa rin nang pagtaas ng kaso ng hawahan. Ang ilan dito ay kinabibilangan ng Alaska, Alabama, Florida at California at iba pa.

Inuulit ko, patuloy tayong sumunod sa health protocols para hindi na tumaas muli ang kaso ng Covid 19 sa bansa.

Magdasal tayo na huwag na tayong bumalik sa ECQ (alert level 5) upang tuluyan na ring makabangon ang ating ekonomiya.

***

Dapat kumilos na ang mga opisyal ng pulis at barangay sa Maynila upang matigil na ang rambulan ng mga kabataan.

Kamakailan lang kasi, isa na namang 14 anyos na bata ang namatay kaugnay ng riot na nangyari sa lungsod.

Ayon sa ulat naganap ang sagupaan, dakong alas 4 ng madaliang araw sa may Abad Santos at Quiricada sa Tondo, Maynila.

Patay na nang idating sa ospital si Jonathan Andal na nabaril gamit ang isang “pen gun” sa nasabing riot.

Isang suspek na 19 anyos ang hinuli ng mga pulis ngunit itinanggi nito na kasama siya sa sagupaan.

Maaalala na nito lang mga nakaraang buwan, may mga napabalita ng riot ng mga kabataan sa ibat ibang lugar sa Maynila.

Kailangang tutukang maigi ng mga opisyal ng pulis at barangay ang kanilang nasasakupan upang maiwasan na ang ganitong pangyayari.

Dahil sa mga menor de edad ang kadalasang sangkot, dapat papanagutin ang kanilang mga magulang. Obligasyon at responsibilidad nilang gabayan ang kanilang mga anak.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #09690377083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE