Rubianca

Ruru at Bianca, ’di na kailangan umamin

July 21, 2021 People's Tonight 140 views

PATULOY ang mutual admiration sa isa’t isa nina Bianca Umali at Ruru Madrid. Ang social media account ang intsrumento nila upang ipahayag sa lahat ang damdamin para sa isa’t isa.

Alam ng fans nina Bianca at Ruru na follower nila ang isa’t isa sa Instagram. Sa IG kumakawala ang damdamin nila sa isa’t isa.

Sa latest IG picture ni Ruru na black and white kung saan nagsusuot ito ng T-shirt, komento ni Bianca, “my favorite” kasama ang red heart na emoji.

Tugon naman ni Ruru sa komento ni Binca, “@bianxa you’re my favorite (with yellow heart emoji.”

Sa totoo lang, hindi na kailangan pang umamin sa publiko nina Ruru at Bainca sa kanilang relasyon. Sapat na sa fans nila ang lambingan nila sa isa’t isa sa social media, huh!

Soon, mapapanood natin sa GMA Telebabad ang magkahiwalay na series nina Bianca at Ruru. Mapapanood sa July 26 ang Legal Wives ni Bianca habang kasado na rin ang Lolong ni Ruru.

This time, wala nang dahilan si Bianca upang pagselosan ang leading lady ni Ruru sa Lolong na si Shaira Diaz na in a relationship, huh!

JENNICA, UMALMA SA MGA BATIKOS

BINUWELTAHAN ng Kapuso actress na si Jennica Garcia ang bumatikos sa kanya dahil sa pictures nila ng dating asawa na si Alwyn Uytingco kasama ang mga anak nila.

Hiwalay na kasi sina Jennica at Alwyn kaya nagulat ang mga netizen na makita silang magkasama recently.

“Hindi ba puwedeng maging in good terms ang magkahiwalay?” bahagi ng pag-alma ni Jennica sa mga kritiko.

Dalawa ang naging anak nina Jennica at Alwyn at ang co-parenting ang ginagawa nila para sa mga bata. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE