Ruffa sa pagsabak sa pulitika: I think it’s a calling
NABIBIGYAN ng ibang kulay ang sinabi ni Ruffa Gutierrez na mas type niyang maging First Lady kesa maging politiko dahil sa pagganap niya sa papel ni dating Unang Ginang Imelda Marcos sa blockbuster Viva Films movie na Maid in Malacañang at pagkaka-link kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.
Kaya naman mabilis niya itong nilinaw sa grand mediacon ng bago niyang show sa AllTV na M.O.M.S. (Mhies on a Mission) kung saan kasama niya bilang hosts sina Mariel Padilla at Ciara Sotto.
Ani Ruffa, sa dalawang dekada ng pagiging single mom na nagpalaki at nagtaguyod sa dalawang anak (Lorin at Venice), mas feel niya na siya naman ang alagaan sakaling magka-lovelife siya ngayon.
Sa usapin kung naiisip ba niyang pumasok sa pulitika, anang beauty queen-actress-host, “Parang that’s a very big responsibilty na hindi ko alam kung kaya kong gampanan, ‘di ba? I would rather First Lady kasi nakikita ko si Madam Imelda Marcos sa character ko sa dalawang pelikulang, well, sa pelikulang ginawa ko, at sa susunod. So she’s just, you know, she’s very supportive. Hindi ko alam kung kaya ko pang ibigay lahat and I’ll have to think about it. I think it’s a calling, ‘yung ganyan. So, wala pa ‘yun sa plano ko ngayon. Enjoy muna tayo sa life.”
Matagal nang aminado si Ruffa na paborito at idolo niya si Mrs. Marcos dahil at 93, fresh pa rin ito.
Kaya naman ganu’n na lang din ang excitement niyang mag-shoot ng Martyr or Murderer (MoM), part 2 ng MiM, kung saan muli niyang gagampanan ang papel ng former First Lady.
Magiging super busy nga si Ruffa ngayong Kapaskuhan dahil bukod sa MoM shooting sa Ilocos, lilipad din siya pa-Hawaii para naman sa isang show kasama ang mag-amang Cesar Montano at Diego Loyzaga.
“So, I think work pa rin itong ano, work pa rin itong Christmas season. Kailangan strike while the iron is hot. Saka na ang bakasyon, ‘di ba?” diin niya.
Paniwala ni Ruffa, suwerte ang paglipat niya ng bahay sa bandang South dahil sa sunud-sunod na blessing na natatanggap niya, career-wise.
Nang dumating nga raw ang offer ng AllTV para sa M.O.M.S., natuwa talaga siya’t na-excite dahil sa endless opportunities na hatid nito.
Aniya, “It’s a show that I think Ciara, Mariel and I will really enjoy. It’s about moms, we are moms. ‘Yun ang talagang makikita n’yo sa amin although iba-iba, ‘di ba? Ako, lumalaban na mom, ikaw (Mariel) madiskarte na mom, at ikaw (Ciara), humahataw, ‘di ba. So, iba-iba kaming klaseng nanay but at the end of the day, I think, you know, we’re just very grateful, we’re very happy na kami ang unang naisip ng Villar Group of Companies to produce a show, it’s the first station-produced show and we’re very excited kasi magiging masaya ang Pasko namin pati Pasko ng napakaraming tao na nabigyan nila ng trabaho.”
Pangako nina Ruffa, Mariel at Ciara, may malaking pasabog sa pilot episode ng M.O.M.S. na mapapanood sa AllTV tuwing weekday simula bukas, November 28, 11 a.m.-12 noon.