Deleter

Nadine, bet i-delete ang pagiging gastadora

November 26, 2022 Vinia Vivar 314 views

Kung mabibigyan ng pagkakataon, ano nga ba ang idi-delete ni Nadine Lustre sa kanyang buhay?

Isa ito sa mga naitanong sa cast members sa media conference ng Metro Manila Film Festival 2022 entry na Deleter na pinangungunahan ni Nadine.

Ayon sa aktres, ang kanyang mga naging maluhong paggastos sa kung anu-anong bagay in the past ang gusto niyang i-delete.

“Feeling ko, ‘yung paggastos ko before, nu’ng mas younger pa ako. Kasi, I guess, back then, siyempre, gusto mo lang din mag-spend nang mag-spend on anything,” aniya.

“Tapos ngayon, ‘pag iniisip ko siya, ‘bakit ako gumastos para do’n?’ Parang sayang. Oo, mga spur of the moment stuff,” patuloy niya.

Ngayon daw kasi ay mas maingat na siya sa paggastos ng kanyang earnings.

Samantala, aminado si Nadine na napagod siya shooting Deleter.

“Nakakapagod palang mag-shoot ng horror movie. This is my first full-length horror film. But even though nakakapagod siya, sobrang fulfilling. Kasi parang pagkatapos ng every scene namin, nakikita namin, sobrang okay si direk (Mikhail Red).

“’Yun ‘yung sobrang fulfilling sa amin, na makita si direk na, you know, na happy siya sa mga eksena. So, na-enjoy naman po namin.”

Nang sinu-shoot nila ang pelikula ay hindi pa nila alam na makakapasok ito sa MMFF kaya naman laking tuwa nila nang i-announce na kasama sila.

“We’re very surprised na kasama siya sa MMFF kasi parang nu’ng una, wala siya sa plan or baka hindi ko lang alam. Pero we’re really, really excited po, we’re really looking forward,” sey ni Nadine.

Ang Deleter ay second MMFF film ng aktres.

Ang una ay ‘yung movie niya with Vice Ganda, ang Beauty and the Bestie. Ang ikina-excite pa raw niya this time ay ang magiging float nila for the filmfest parade.

“Ano kaya ‘yung float natin? Keyboard naman kaya?” masaya niyang sabi.

Natutuwa rin si Nadine na makitang muli ang sarili sa big screen after two years. Her last film na ipinalabas sa sinehan ay Indak noong 2019.

“Excited ako na makapanood ulit sa sinehan. Wala pa po kasing chance na makapanood even though matagal nang nagbukas ulit ang mga sinehan. I’m really excited for that. And excited po ako na makita ng mga Filipinos ‘yung pelikula namin,” she said.

Showing on Christmas Day, December 25, kasama rin sa Deleter sina McCoy de Leon, Louise delos Reyes at Jeffrey Hidalgo.

NAG-BREAKDOWN

Painit nang painit ang mga eksena at batuhan ng linya sa top-rating GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra!

Kamakailan lang, nag-breakdown si Klay (Barbie Forteza) sa isang pagtitipon kasama sina Ibarra (Dennis Trillo) at Fidel (David Licauco) dahil sa pangmamaliit ng mga bisita sa kababaihan.

Pina-realize rin ni Klay kay Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung paano nililimitahan ng mga lalaki noon ang pwedeng gawin at matutunan ng mga babae.

After ng intense scene na ‘yan, nangako si Klay na magla-lie low muna siya para makaiwas sa gulo. Pero mapanindigan niya kaya ito?

Samantala, magdaraos muli ng malaking pagtitipon si Ibarra sa tulong ni Maria Clara.

Maging successful kaya ang kanilang teamwork?

Subaybayan ang Maria Clara at Ibarra tuwing 8 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

AUTHOR PROFILE