Rosevan

Rose, nalula sa panonood sa real-life cam girl

June 10, 2022 Ian F. Fariñas 206 views

Para kay Rose Van Ginkel, dating Walang Tulugan discovery ng yumaong starmaker na si German Moreno, pinaka-daring at pinaka-mapangahas na niyang proyekto ang pinagbibidahang Kitty K7 na produced ng magdyowang Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone para sa Vivamax.

Mas malala nga raw ang pagpapaseksi niya rito sa Kitty K7 kesa sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar, Gluta, 69+1 at Boy Bastos dahil ginagampanan niya ang papel ni Hana, isang cam girl/sex performer.

Nag-audition si Rose para sa nasabing papel dahil nagustuhan niya ang istorya nito na base sa kwento ng isang real-life cam girl/sex performer na nakilala’t napanood pa niya habang live na “nagpe-perform.”

Kwento ni Rose sa virtual mediacon ng Kitty K7, lalo niya itong na-appreciate matapos interbyuhin.

“Kailangan kong makuha ’yung feel na masaya ako sa ginagawa ko. Na gusto ko ’yung ginagawa ko. Nag-set po kami ng interbyu and binayaran din po siya para mag-perform para lang makita ko kung paano talaga siya mag-work with her clients. Nakita ko lahat. Habang nag-i-start, medyo napa-‘ha?’ ako. Ganito pala talaga, ganito talaga ’yung ginagawa ninyo.

“At first, parang nalula ako. Pero nu’ng makausap na namin siya, makikita mo talaga na masaya siya sa ginagawa niya. Nai-enjoy niya ’yung ginagawa niya. So, sino ka ba naman para sabihin na tigilan mo ’yung ginagawa mo, hindi maganda?” ani Rose.

Kasama rin sina Marco Gallo (bilang photographer na si Krishna) at Jean Kiley (bilang bestfriend ni Hana), ang Kitty K7 ay mapapanood via streaming sa Vivamax simula July 8 sa ilalim ng direksyon ni Joy Aquino.

Bolera

KYLIE AT RAYVER, MAY CHEMISTRY

MAY chemistry sina Rayver Cruz at Kylie Padilla at kitang-kita iyon sa pagpasok ng karakter ng aktor na si Miguel El Salvador na nakaharap na ng karakter ng aktres na si Joni sa sports drama seryeng Bolera.

“Angasan at first sight” man ang nangyari sa dalawa sa kanilang unang pagkikita, eh, hindi pa rin maikakaila na bagay sila sa isa’t isa.

Palalamang naman kaya ang karakter ng isa pang leading man ni Kylie na si Jak Roberto? ’Yan at iba pang nakakikiliting eksena ang dapat abangan ng Kapuso viewers weeknights, 8:50, sa Bolera sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE