Sarah

Matteo, tahimik sa budget issue

June 10, 2022 Jun Nardo 128 views

KASAMA ni Matteo Guidicelli ang wifey niyang si Sarah Geronimo nang bumisita sa Italian ambassador na si Marco Clemente kamakailan.

Naka-flex sa Instagram ni Matteo ang picture niya at ni Sarah kasama ang Italian ambassador.

Remember, Filipino-Italian si Matteo.

“A fruitful conversation on strengthening the Filipino-Italian relationship. Exciting times ahead,” caption ni Matteo.

Nitong nakaraang mga araw, nagkaroon ng issue sa diumano’y pag-propose sa GMA ng isang project na pagbibidahan ni Matteo.

Balitang “nabaril” ito sa laki ng budget, huh!

Tikom ang bibig ni Matteo sa isyung ito.

ALDEN, ’DI MAKABALIK SA ‘BULAGA’

MARAMING work ngayon si Alden Richards kaya naman matagal na siyang hindi napapanood sa Eat Bulaga.

Eh, sa EB Dabarkads, siyempre, iba pa rin ang presence ni Alden sa noontime show bukod kina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Ryan Agoncillo.

Kaya todo abangers ang fans ng aktor na one day ay bumulaga siya sa EB.

Merong TV series na Start Up si Alden with Bea Alonzo at may upcoming concert tour pa sa US. May natapos pang TV commercials.

Kaya naman pinuputakti ng tanong ag EB executives kung kailan babalik si Alden sa programa, huh!

AUTHOR PROFILE