Fire Ang sunog sa rooftop ng lodging inn na umabot sa ikalawang alarma. Kuha ni JONJON C. REYES

Rooftop ng lodging inn sa Quiapo nilamon ng apoy

September 6, 2023 Jonjon Reyes 176 views

TUMAGAL halos mahigit isang oras bago naapula ang sunog sa rooftop ng isang lodging inn sa Globo De Oro Street, Quiapo, Manila, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Manila Police District – Barbosa Police Station 14 commander, bandang 6:15 a.m. nang sumiklab ang sunog sa rooftop ng Shairah Lodge PADPO sa Barangay 384.

Ayon sa ulat ni Fire Officer 3 Louie Ebio, ng Arson Divosion, dakong 7:18 a.m. nang ideklarang fire under control ang insidente at dakong 7:53 a.m. nang ideklara ang fireout.,

Sa imbestigasyon ng BFP,tinatayang nasa P225,000 ang halaga ng pinsala at wala namang naiulat na casualties o nasaktan sa sunog. Aabot sa 30 pamilya na nakacheck-in sa nasabing loding house ang nawalan ng tirahan.

AUTHOR PROFILE