Kylie & Robin

Robin at Kylie, nag-heart-to-heart talk

November 29, 2021 Vinia Vivar 140 views

Nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla na inilabas ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Maraming napag-usapan ang dalawa kabilang na ang magagandang memories nila habang lumalaki si Kylie.

At the end of the vlog ay tinanong ni Binoe ang anak kung okay na sila ni Aljur.

“Okay na kami. Thank God,” sagot ni Kylie. “Ayoko nang mag-ano, basta ang importante, okay kami sa mga bata,” dagdag pa ng aktres.

Tanong ulit ni Binoe, “Masakit pa ba?”

Sabi ni Kylie, “To be honest, Pa, ang mahirap lang talaga du’n sa nangyari sa amin is never ko nang mae-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro.”

Dagdag pa niya, “’Yun lang talaga ‘yung isang bagay na nagtatanong ako, ‘tama ba ‘to o hindi?’ Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda ‘yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yun makikita, mae-enjoy, in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon. Realistically.

“Kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik du’n, eh.”

“Saan?” tanong naman ni Binoe.

“Du’n sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari,” sagot ni Kylie.

“Ako naman yata ngayon ang malulungkot. So, wala na talagang pag-asa?” tanong ulit ni Binoe.

“It’s best for what it is now. Kasi tinitingnan ko rin, in the future, maging friends kami talaga. Ngayon kasi, siyempre, after ng nangyari, we’re friends. Pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako kasi syempre, nagulat ako, eh.

“Pero bilang nanay nga ng mga anak ko, I have to be civil, try to be the better person, mas mature na tao.

“Naging klaro lang kung nasaan ang priorities niya. So, it made it more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga anak ko, Pa, masakit sa akin ‘yun na hindi ko na nga mae-experience ‘yun sa kanila,” mahabang paliwanag ni Kylie.

Sinabi rin ng aktres na masaya rin siya na makitang okay naman ang relasyon ng kanyang dalawang anak sa ama ng mga ito at sa ngayon ay ready na siya to move forward.

Tinanong ni Robin ang anak kung masaya ba ito at nakangiting sagot ni Kylie, “Yes.”

AUTHOR PROFILE