Aiai

Ai-Ai, nakawala sa trabaho … komedyana, bakasyon sa L.A.

November 29, 2021 People's Tonight 209 views

PANSAMANTALANG bakasyon muna sa Los Angeles, California si Ai-Ai de las Alas. Eh, tila tapos na siya sa commitment niya bilang judge sa GMA’s The Clash kaya nakakawala na siya sa trabaho niya.

Nasa airport si Ai-Ai nang mag-post siya ng picture sa Instagram.

Impressed daw siya sa pagiging hi-tech ng airport ngayon.

Sasalubungin ang Comedy Queen ng asawang si Gerald Sibayan at nandoon din ang anak niyang si Niccolo.

Pramis ni Ai, babalik pa rin siya sa Pilipinas, huh!. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE