Robi1 Larawan: Mico Del Rosario/IG

Robi Domingo ikinasal na kay Maiqui Pineda

January 7, 2024 People's Tonight 151 views

Nagpatali na ang Pinoy Big Brother host na si Robi Domingo sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda sa San Isidro Labrador Parish sa Pulilan, Bulacan.

Sa video na ibinahagi ni Mico Del Rosario, makikitang masayang nagkaroon ng intimate church wedding ang dalawa. Sobrang pogi naman si Robi suot ang traditional Barong ensemble.

Habang si Mrs. Domingo naman ay fresh at gorgeous sa kanyang sweetheart-neckline wedding dress at light sheer tulle wedding veil.

Sa Instagram story naman ng komedyante at aktres na si Melai Cantiveros, makikitang nai-treat ang mga guest ng samut-saring Filipino delicacies gaya ng halo-halo, biko, hopia, at iba pa.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Darren Espanto, Donny Pangilinan, Melai Cantiveros, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Enchong Dee, Joshua Garcia, Regine and Ogie Alcasid, at iba pa.

AUTHOR PROFILE