Dead

Rider tigok sa senglot na rider

January 22, 2024 Gil Aman 118 views

PATAY ang rider na tumilapon sa motorsiklo nang banggain ng isa pang motorsiklo na sinasakyan ng lasing na rider sa Brgy. Niugan, Cabuyao City, Laguna noong Linggo.

Kinilala ang namatay na si Jaypee ng nasabing lungsod.

Isinugod sa Ospital ng Cabuyao ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa malubhang sugat at pagputok ng ulo.

Nasugatan sa kaliwang tuhod ang suspek na si Alyas Vinson.

Base sa resulta ng medical examination, lasing ang suspek ng mangyari ang banggaan.

Nangyari ang aksidente alas-3:30 ng umaga malapit sa Saint Francis Subdivision.

Base sa imbestigasyon, sakay sa Yamaha motorcycle (6243 UW) ang biktima nang banggain ng Suzuki Raider (575 NOX) ni Alyas Vinson na umukupa sa kabilang lane ng kalsada.

Kasalukuyan ng nakakulong sa Cabuyao police ang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso.

AUTHOR PROFILE