Crime

Bebot todas sa riding in tandem, angkas sugatan

January 22, 2024 Jojo C. Magsombol 124 views

DEAD-on-the spot ang isang babae at sugatan ang kasama nito matapos pagbabarilin ng riding-in tandem sa Brgy. San Miguel, Sto Tomas City, Batangas noong Linggo.

Kinilala ng Sto. Tomas police ang namatay na si alyas Jen at sugatan si alyas Arlene.

Bandang ala-1:10 ng hapon nakitang sakay ng motorsiklo ang dalawa nang biglang may mag-overtake sa kanila na motorsiklo sakay ang mga salarin at walang pakundangang pinaulanan sila ng putok.

Tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang insidente.

Isinugod sa CP Reyes Hospital si Arlene ng rescue team ng Sto. Tomas City, Batangas ang nasugatan.

AUTHOR PROFILE