Default Thumbnail

Rider sumalpok sa mixer, tigok

February 26, 2024 Gil Aman 101 views

TIGOK ang motorcycle rider ng sumalpok sa likod ng mixer truck sa Sta. Rosa-Tagaytay Road sa Brgy. Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna noong Linggo.

Ayon sa trapik police, nawalan ng control hanggang sa bumangga sa likod ng truck (UUQ 614) na minamaneho ni Perfecto Gales Oclarit ang motor (811 OAZ) ng biktimang si Ralph Lawrence Dimayuga Linao.

Nangyari ang insidente sa Sta. Rosa-Tagaytay Road dakong alas-3:40 ng umaga, ayon Sta Rosa police chief PLt. Col. Dwight Fonte.

Idineklarang dead-on-arrival sa Qualimed hospital ang biktima bunsod ng mga tinamong sugat sa katawan.

AUTHOR PROFILE