Parak1 GOOD COPS–Imus City Mayor Alex Advincula and Vice Mayor Homer Saquilayan present a plaque of appreciation Monday to the two policemen who endured the slapping and bad mouthing of a very angry female motorist weeks ago in Imus. Also in the photo are Atty. Owen De Luna, Acting Regional Director of National Police Commission (NAPOLCOM) and Imus City Police Chief Lt. Colonel Jack Angog.

2 parak na cool habang sinasampal pinarangalan

February 26, 2024 Dennis Abrina 102 views

ParakIMUS CITY, Cavite–Binigyang pagkilala ng National Police Commission Region 4 A sina PSSg Philip Andrew Garingo at Patrolman Marvin Bobis, ang dalawang pulis na pinagsasampal at pinagtatadyakan ng babaeng motorista dahil sa traffic altercation noong Peb. 5, 2024.

Ginawaran ng pagkilala sa Imus City Hall si Garingo at Bobis ng Imus Component Police nina Mayor Alex Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan, Atty. Owen De Luna, Region 4-A, Regional Director ng NAPOLCOM matapos ang viral video na kitang-kita ang dalawa na pinagsasampal at pinagtatadyakan ng babaeng ayaw sumunod sa sinasabi ng mga pulis.

Makikita sa video na cool at chill lang si Garingo kahit pa napaka-init na ng sitwasyon. Nakaposas na ang babaeng motorista sinasaktan pa rin ang pulis.

Kalaboso ang kinahantungan ng babae na napatunayang lasing ng mga oras na iyon base sa alcohol breath test analysis. Patung-patong na kaso ang isinampa rito dahil sa pangyayari.

Ayon kay Garingo, humingi na ng tawad sa kanya ang babae ng bisitahin nya ito sa kulungan ilang araw matapos ang insidente.

Nakalaya na ang babae pero tuloy ang usad ng kaso niya.

Ayon naman sa NAPOLCOM, dapat tularan at gawing ehemplo si Garingo na kahit pa pwede itong sumambulat sa galit dahil sa naranasang pisikal na pananakit nanatili itong kalmado sa ganoong sitwasyon.

AUTHOR PROFILE