2 fishers sinagip ng PCG sa Atimonan
DALAWANG mangingisda ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa tiyak na kamatayan matapos magkaaberya ang kanilang bangka habang nangingisda sa Atimonan, Quezon.
Sa ulat ng PCG, namataan nila ang papalubog na bangka nina Simon at Eugene Basbastro, mga residente ng Brgy. Tagbakin, may 100 metro ang layo mula sa dalampasigan.
Agad silang rumesponde sa tulong Bureau of Fire Protection-Atimonan para sagipin ang mga biktima.
Gamit ang lubid, life rings, tagumpay na nahatak ang bangka sa dalampasigan.
Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga mangingisda na iwasan muna pumalaot kung hindi maganda ang panahon para maiwasan ang disgrasya.