BI Ang mga inarestong Indians nationals ng Bureau of Immigration-Intelligence Division. Kuha courtesy ng Bureau of Immigration

16 Indian nat’ls na walang work permit iinaresto ng BI

February 26, 2024 Jun I. Legaspi 118 views

LABINGANIM na Indian nationals ang inaresto ng operatiba ng Bureau of Immigration, dahil sa kawalan ng legal na dokumento at nagtratrabaho ng walang working permits sa Iloilo, ayon sa report.

Sa opisyal na pahayag sinabi ni BI Commissioner Norman Tancingco ang mga Indian national ay inaresto sa isinagawang operations ng BI-Intelligence Division na nakabase sa Western Visayas nitong February 22.

Ayon kay Tancingco, agad siyang nagpalabas ng mission order na mabilis na ipinatupad ng BI agent dahil sa reklamo ng dumaraming illegal Indians national sa Iloilo at maraming residente ang umano’y biktima ng mga 5-6 lending raket.

Ito ay hudyat ng pinaigting na operation laban sa mga illegal aliens sa labas ng Mero Manila.

“We are intensifying our crackdown against illegal aliens throughout the country, including those who live in the far-flung areas and make a living by engaging in illegal lending activities that prey on our poor countrymen,” Tansingco said.

Sa report ayon kay BI-Region 6 Intelligence head Jude Hinolan na siyang nanguna sa operation, 10 sa mga suspek ay nadakip sa bayan ng Arevalo, at Savana, Iloilo samantalang ang anim ay naaresto sa San Jose, Antique.

“Our investigation found that all of them were engaged in lending activities without the proper work permits while some of them are suspected of being illegal entrants for failure to present travel documents,” sinabi ni Hinolan sa report niya kay BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr.

Lahat ng inaresto ay nasa custody na ng BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig, City habang inaayos pa ang mga papeles ng mga ito para ibalik sa kanilang bansa.

AUTHOR PROFILE