Default Thumbnail

Rider patay, angkas kritikal sa banggaan ng MC, SUV

October 27, 2022 Jonjon Reyes 393 views

MAAGAP na nakalabas ng nasusunog na sasakyan ang isang estudyante, matapos makipagsalpukan sa isang motorsiklo na kumitil sa buhay ng ride habang ang sakay nito ay nanatiling kritikal sa madaling araw ng Huwebes sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Naganap ang aksidente pasado 2:00 a.m. sa Taft Avenue, northbound lane sa panulukan ng Remedios Street sa Malate.

Isang hindi pa nakikilalang rider ang agad namatay habang ang angkas nito ay kasalukuyang inaalam pa ang mga pagkakakilanlan dahil sa kritikal nitong kundisyon sa Philippine General Hospital (PGH).

Dahil sa malakas na pagkakasalpok ng motorsiklo sa sasakayan, nasunog ang isang Subaru Forester SUV (sports utility vehicle) na minamaneho ng isang 20-anyos na estudyante at nakatira sa Scout Gandia, Quezon City.

Base sa ulat na isinumite ni P/Lt. Tom Fallar, chief investigator, kay P/Maj. Anthony Olgado, hepe ng Manila District Enforcement Unit, habang binabaybay ng Subaru Forester ang kahabaan ng Taft Avenue ay biglang umanong sumulpot mula sa intersection ang isang motorsiklo na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Nabatid sa imbestigasyon ni Fallar na ang naturang driver ng SUV ang nakabangga sa kanang bahagi ng motorsiklo subalit dumepensa ito na nasa “Go” or green light siya habang nagmamaneho sa lugar.

Sa lakas ng impact, nasunog ang kotse at masuwerteng nakalabas kaagad ang nasabing driver ng SUV.

AUTHOR PROFILE