Responsableng paggamit ng socmed, hihimayin sa ‘Click, Like, Share’

May 21, 2021 People's Tonight 227 views

Responsableng paggamit ng social media ang hatid na mensahe ng young stars na sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin at Andrea Brillantes sa bagong anthology series na Click, Like, Share.

Mapapanood ito sa buong mundo simula Hunyo 5 at may bagong episode tuwing Sabado sa KTX.ph at iWantTFC. Magiging available rin ito ngayong taon sa TFC IPTV at Upstream.

Bibigyang diin ng serye na kahit na mahalaga ang papel ng social media sa buhay ng mga kabataan ngayon, marami rin itong nadudulot na masama tulad ng bashing, cyberbullying at online harassment ’pag ’di ito ginamit nang tama.

Si Kyle ang bibida sa unang episode na Reroute bilang si Brennan, na mag-iiba ang buhay nang biglang magkagusto sa kanya ang kinakaadikan niyang app.

Sa Cancelledt naman, magkakatotoo ang tila perpektong buhay na ipinapakita ni Karen (Francine) sa social media, ngunit mayroon panganib na kapalit.

Bibigyang-buhay naman ni Seth si Cocoy sa Trending, tungkol sa pagkakalatng fake news sa isang kwentong nag-viral sa social media. Bibida si Andrea bilang si Beth sa Poser, kung saan haharap siya sa sunud-sunod na pagsubok dahil sa clone na gawa ng isang app.

Makakasama rin sa episodes ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco at Renshi de Guzman, pati na sina Jimuel Pacquiao at Nio Tria sa kanilang acting debut.

Kasunod ng premiere ng unang episode sa Hunyo 5, 6 p.m., isang bagong episode ang mapapanood sa Hunyo 12, 19 at 26, 6 p.m.

Mula sa direksyon ni Manny Palo, produksyon ito ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment kasama ang Dreamscape Entertainment at Kreativ Den.

FOOD DELIVERY RIDER, SUSUBUKANG BAGUHIN ANG KAPALARAN SA ‘1000 HEARTBEATS…’

BillyTULUY-TULOY ngayong Sabado ng gabi ang masaya at siksik na month-long birthday celebration ng The Wall Philippines host na si Billy Crawford sa isa na namang celebrity edition ng game show sa TV5.

Matapos ang misis na si Coleen Garcia, ang tinaguriang “brothers for life” namang sina Jay-R at Kris Lawrence ang aalalayan ni Billy sa pagharap at “pakikipagduwelo” sa The Wall.

Abangan kung sina Jay-R at Kris na ba ang mga susunod na mag-uuwi ng milyun-milyong papremyo sa The Wall Philippines mamayang alas-sais sa Todo Max Weekend block ng Kapatid network.

Ang college student na nagsa-sideline bilang food delivery rider na si Jan Ax naman ang sasabak bilang contestant sa 1000 Heartbeats:

Pintig Pinoy alas-nuwebe ng gabi.

Kwento ni Jan Ax sa 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy host na si Xian Lim, bata pa lamang siya, eh, pinagsasabay na niya ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Nagsimula raw siya bilang isang fast food crew at ngayong panahon nga ng Covid-19 pandemic, pinasok naman niya ang pagiging frontliner/food delivery rider.

Si Jan Ax na nga kaya ang masuwerteng makapag-uuwi ng premyo sa 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy?

Abangan ito ngayong gabi kasama si Xian at ang komedyanteng si Chad Kinis sa TV5. IFF

AUTHOR PROFILE