Jennica nagbabalik-showbiz matapos ang hiwalayan nila ni Alwyn

May 21, 2021 Aster Amoyo 168 views

ANIM na taon ding tumagal ang pagsasama bilang mag-asawa nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

The young couple got married secretly sa isang Christian wedding nung February 12, 2014 at sila’y nabiyayaan ng dalawang anak na sina Athena Mori at Alessie.

Para mapangalagaan ni Jennica ang kanyang pamilya at dalawang anak ay naging hands-on wife at mother siya at isinakripisyo niya ang kanyang acting career for her family. Since wala rin namang regular na pinagkakakitaan si Alwyn, nagkaroon sila ng financial difficulties na siya umanong naging ugat ng kanilang paghihhiwalay. Ngayong isa na siyang single parent sa kanyang dalawang anak ay nagbabalik-showbiz si Jennica at nagpapasalamat siya sa GMA dahil muli siyang tinanggap kahit matagal siyang nawala.

Si Jennica ay kabilang sa “Las Hermanas,” ang afternoon TV series ng GMA where she plays the role of Brenda, ang antagonist ni Dorothy na ginagampanan naman ni Yasmien Kurdi.

Lani muling magpi-perform matapos magkasakit

Martin NieveraANG entertainment business ang maituturing na hardly hit ng pandemic dahil maraming taga-industriya ang nawalan ng pagkakakitaan. Pero ang maganda, natutong maging creative ang iba para maitawid ang pang araw-araw na pangangailangan sa buhay.

Ang ibang entertainers – singers, performers, actors ay patuloy na gumagawa ng paraan upang makapagbigay ng kasiyahan sa publiko kasama na rito ang Concert King na si Martin Nievera at ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na nakatakdang magsama sa isang virtual concert na pinamagatang “New Day” to be produced ng Starmedia Entertainment in cooperation with Solaire sa darating na June 5 (Saturday) at 8 p.m. (US time) at June 6 (Sunday), 11 a.m. sa Pilipinas. Said concert will be held live at The Theater of Solaire with Louie Ocampo as the musical director habang si Paolo Valenciano naman ang concert director with special guests, OPM Hitmakers Rey Valera, Nonoy Zuniga and Marco Sison.

Ito rin bale ang first time na haharap si Lani sa concert stage (virtually) matapos siya at mister na si Noli ay dumaan sa health struggles nung isang taon. Lani’s husband, Noli had a heart attack in August last year at siya’y sumailalim ng triple by-pass heart surgery and first week of October ay pareho silang nagkaroon ng bacterial meningitis which has affected their hearing. Ang right ear ni Lani ay hindi nakaririnig habang mas malala ang kanyang husband.

Ayon kay Lani, dumating umano sa point na akala niya ay hindi na siya makakapag-show pa dahil apektado ang kanyang pandinig at madalas siyang nahihilo. But she’s thankful that she’s slowly recovering although affected pa rin ang kanyang pandinig sa right ear.

“My husband and I are both semi-disabled and we can’t drive anymore. Hindi kami puwedeng lumabas nang wala kaming kasama,” pag-amin ni Lani.

Samantala, ang “New Day” global concert ay mapapanood sa KTX.ph, TFC-IPTV at iba pang platform.

Nino naawa kay Alonzo dahil hindi makalabas

INAMIN ng dating child superstar na si Nino Muhlach na awang-awa umano siya sa kanyang bunsong anak na si Alonzo (11) dahil mahigit isang taon na rin itong hindi nakakalabas ng bahay dahil bawal pang lumabas ang mga bata.

“Online ang kanyang pag-aaral kaya most of the time ay nasa harap siya ng computer. Hindi rin siya makapag-shoot dahil bawal nga ang mga bata. Sana lang bumalik na sa normal ang buhay natin ,” pahayag ni Nino.

And eldest son ni Nino na si Sandro Muhlach ay nasa pangangalaga ngayon ng GMA Artist Center.

Si Nino ay may upcoming movie under OctoArts Films na pinamagatang “Isla”.

Liz nainggit sa iba kaya bumalik

TUWANG-TUWA ang comebacking actress na si Liz Alindogan dahil kahit kapipirma pa lamang niya sa Viva ay nabigyan kaagad siya ng proyekto.

Si Liz ay isa sa mga original Dolphy’s Angels ng yumaong comedy king na si Dolphy along with Carmi Martin, Yehlen Catral at Anna Marie Gutierrez. Sa kanilang apat, si Carmi lamang ang nagtuluy-tuloy ang showbiz career bagama’t naging interior designer din ito. Hinarap ni Liz ang kanyang family life at pagiging isang negosyante habang si Anna Marie ay nagpunta ng New York with her daughter. Si Yehlen naman ay isa nang abogada at may pamilya na rin sa Amerika.

Since malalaki na ang mga anak ni Liz (dalawa sa actor na si Jess Lapid, Jr.) at apat sa kanyang businessman-husband na si Benny Kho, binalikan ni Liz ang showbiz.

“Natutuwa ako kapag may mga ibang artista na nagsisibalikan kaya ako nagkaroon ng interest na bumalik na rin,” aniya.

Nasa lock-in taping ngayon si Liz para sa kauna-unahang teleserye ni Julia Barretto bilang Viva star na pinamagatang “Di Na Muli” na pinamamahalaan ni Andoy Ranay. Ito’y joint production ng Viva and Cignal TV at nakatakdang ipalabas sa TV5. Kasama rin sa serye sina Mickey Ferriols, Katya Santos, Baron Geisler, Gene Padilla at iba pa.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube Channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE