Default Thumbnail

RESBAKUNA umarangkada sa SMDC Lightmall

March 10, 2022 Jun I. Legaspi 366 views

UMARANGKADA Huwebes, Marso 10, 2022, ang RESBAKUNA sa SMDC Lightmall, ang vaccination rollout ng MRT-3 at Department of Transportation katuwang ang City Government of Mandaluyong at SM Development Corporation sa 2F Cinema Lobby, SMDC Lightmall.

Nagsimula nang mabakunahan ang mga online registrants at walk-in applicants ng 1st, 2nd, at booster shots ng COVID-19 vaccine 10 a.m., ng mga medical at health personnel mula sa Mandaluyong Health Office at Department of Health.

Pinaaalalahanan ang mga interesadong magpabakuna na siguruhing nasa loob na ng vaccination site bago mag-4 p.m. cut-off time.

Ang RESBAKUNA sa SMDC Lightmall ay bahagi ng mga aktibidad ng MRT-3 at DOTr bilang suporta sa vaccination campaign ng gobyerno upang maprotektahan ang mga pasahero at empleyado ng transport sector laban sa COVID-19.

Samantala, tuloy-tuloy rin ang libreng antigen testing ng MRT-3 sa mga pasahero nito tuwing peak hours ng operasyon ng linya. Isinasagawa ang libreng antigen testing mula Lunes hanggang Biyernes ng 7:00 am hanggang 8:00 am at 4:00 pm hanggang 5:00 pmsa mga istasyon ng North Avenue, Cubao at Shaw Boulevard.

Libreng makasasakay ang mga pasaherong magne-negatibo sa test, samantalang ang mga magpo-positibo ay aabisuhang mag-self isolate at makipag-ugnayan sa LGU para sa health monitoring at confirmatory RT-PCR testing.

AUTHOR PROFILE