Default Thumbnail

Refresher courses, regular retraining sa LTO napapanahon

September 17, 2022 Jun I. Legaspi 345 views

Jun LegaspiTAMA at napapanahon ang desisyon ni Transportation Assistant Secretary at Land Transportation Office Chief Atty. Teofilo Guadiz III na magsagawa ng mga refresher courses at regular re-training ng mga empleyado ng agency.

Sa ibinigay na mga impormasyon ng mga taga- LTO sa Transport@Pasahero kaayun na kaayun ito sa layun ni Assec. Guadiz para sa mas maayos at ligtas na pagpapatupad at mas mapaganda pa ang pamamalakad at pagpapatupad ng batas at regulasyon sa trapiko.

Kapansin pansin ito sa a mga nakalipas na araw ay nagpapatuloy ang pagbabagong nais ipatupad ng LTO sa pagtupad sa kanilang mandato.

Nasa tamang antas si Assec. Guadiz sa pagpapatupad ng regular na training sessions sa kanilang traffic at iba pang law enforcement personnel upang palagian silang updated sa episyente at tamang pagpapatupad ng traffic laws at regulations.

Sa nakuahng impormasyon ng Transport@Pasahero sangayon ang mga empleyado ng LTO sa regular na training na isa sa major initiatives sa ilalim ng administrasyon ni Guadiz upang matiyak sa publiko na patas ang ahensya sa pagpapatupad ng mga batas.

“I believe that with the enormous amount of personnel we have, some of them may be lacking in knowledge of traffic law enforcement. That is why we think that conducting trainings and seminars on a continuous basis is the answer. Regular trainings have long been a part of my tenure as LTO Regional Director for 12 years, so I think it’s best to apply the same now that I’m the LTO chief,” ito ang mariing sinabi ni Guadiz.

Sa ngayon, ang mga LTO traffic enforcers ay sumasalang sa dalawang araw na ‘once-a-year, live-in seminar’.

Ito ay upang matiyak na maipabatid sa mga enforcers ang mga pagbabago sa batas.

Naniniwala ang opisyal na ang once-a-year training ay hindi sapat kaya’t nais niyang isulong ang tuloy-tuloy na edukasyon tulad ng ginagawa sa ibang profession gaya ng mga abogado.

Saklaw nito hindi lamang ang law enforcers bagkus maging sa managerial skills ng lahat ng LTO district chiefs.

“Proper enforcement of the country’s traffic laws is a must, the LTO being an apprehending agency. The constant and continuing re-training will help the LTO make sure that its traffic enforcers become more efficient and knowledgeable on which specific law to apply and improve traffic apprehension methods on the road,” diin pa ni Guadiz.

Kung ang mga tsuper at motorista ay required na sumalang sa eksaminasyon bago ang mapayagang magmaneho, dapat lahat ng LTO traffic enforcers ay mayroon ding pagsusulit para matiyak na alam nila ang traffic laws, sa city roads man o sa expressways.

Maganda ang hakbangin na ito ni Guadiz lalo pa sa ngayon ay dumarami ang aksidente sa kalsada na kadalasan ay bunsod ng kawalan ng disiplina sa kalsada.

Umaasa tayo na ang mga programang ganito ay magtatagal at hindi lamang ipatutupad kung kailan lamang maisipan at sana ay seryosong training ang mangyari upang hindi naman mabalewala ang magandang mithiin ng programa.MABUHAY ANG LTO!. ([email protected])

AUTHOR PROFILE