Default Thumbnail

Rape suspek huli sa San Andres

January 10, 2022 Jonjon Reyes 388 views

HIMAS rehas na bakal at walang inilaang piyansa sa isang 40-anyos na lalaki makaraang isilbi ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa kasong rape Sabado ng gabi sa San Andres Bukid, Manila.

Sa pangunguna ni P/ Major Elvin John Tio, ng Regional Special Operation Group, at sa pamumuno ni P/ Lt.Col. Melvin Montante, kinilala ang suspek na si John Enaje Fabro, 40, ng 2312 Chromium St.,San Andres Bukid.

Ayon sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/ Major General Vicente Danao Jr., arestuhin si Fabro ay natimbog bandang 6:45 p.m. ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 6.

Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu laban sa suspek ni Judge Francisco Dizon Rano, ng Regional Trial Court Branch 23 fourth Judicial Region ng Trece Martirez, Cavite para sa kasong rape noong May 14 , 2015.

Walang inilaang piyansa sa pansamantalang paglaya ng akusado na nasa talaan na number 5 most wanted sa hanay ng PNP. Halos anim na taon umano itong nagtago sa batas. Jon-Jon C. Reyes & C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE