Maja

Rambo kay Maja: The best part is yet to come

April 18, 2022 Vinia Vivar 272 views

Engaged na si Maja Salvador sa boyfriend na si Rambo Nuñez. Inanunsyo ng dalawa ang magandang balita sa kani-kanilang Instagram account kasabay ng pagdiriwang ng Easter Sunday.

Nag-post sina Maja at Rambo ng mga larawan ng mga kaganapan sa proposal.

Makikita rin sa mga photo ang engagement ring na suot ng aktres.

“My new beginning @rambonunez,” ang caption ni Maja.

“The best part is yet to come my love @maja,” caption naman ni Rambo.

Nagbahagi rin si Rambo ng mga larawan kasama ang kani-kanilng mga pamilya na naroroon din para saksihan ang marriage proposal.

“Our perfect moment, Our Family. We’ve been asked so many times when and my answer is simple, THIS. Our families complete for the very first time,” caption ni Rambo sa mga larawan na kasama nila ang kani-kanilang mga pamilya.

Bagama’t hindi naka-indicate kung saan naganap ang proposal, base na rin sa mga previous post nila ay sa Palawan sila nag-spend ng Holy Week.

Masayang-masaya naman ang netizens at celebrity friends ng newly-engaged couple at bumuhos ang pagbati sa kanila sa comment section.

Nagkatotoo kina Maja at Rambo ang kasabihang “sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.”

Matatandaan kasing naging magkarelasyon na sila noong 21 years old pa lamang ang aktres, nagkahiwalay pero nag-reconnect noong 2019 hanggang sa magkabalikan nang tuluyan.

BAGONG TAMBALAN

Bukod kina Xian Lim at Glaiza de Castro, may isa pang fresh tandem na dapat abangan sa GMA-7 series na False Positive at ito ay sina Herlene Budol (aka Hipon Girl) at Buboy Villar.

Ginagampanan nina Buboy at Harlene ang diwatang sina Malakas at Maganda.

Kwento nga ng program manager na si Anthony Pastorpide sa digicon ng False Positive, originally ay maigsi lang ang role nina Malakas at Maganda sa story.

Pero nang mai-cast sina Buboy at Herlene, naisip ng creatives na pahabain ang roles ng mga ito.

“Plus swerte kami, we got the two. Alam namin, naku, riot ito, kasi itong dalawa, proven, nakakatawa ‘tong mga ‘to, and to think na ika-cast mo sila as Malakas and Maganda, the idea alone, nakakatawa na.

“So, ayun, we ended up na from start to finish, nando’n talaga sila and buo ‘yung kanilang kwento,” pahayag ng program manager.

Natanong naman si Buboy about his tandem with Herlene at positibo ang aktor na magki-click at tatanggapin ito ng tao.

Puring-puri rin niya si Hipon Girl.

“Sobrang professional ni Herlene. Talagang nakikinig siya at open siya sa mga suggestion ko at open din naman ako sa mga suggestion niya, at syempre, nandiyan ‘yung direktor namin, si Direk Irene Villamor para gabayan kami sa mga role namin.

“And dahil si Herlene ay talaga namang patok sa masa, I’m pretty sure na talagang magugustuhan nila sina Malakas at Maganda,” sey ni Buboy.

Ang False Positive ang first teleserye ni Xian sa GMA-7.

Magsisimula ito sa May 2 sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE