Andrea, lumarga sa int’l movie

April 18, 2022 Jun Nardo 385 views

LUMARGA na ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa Caramoan para sa shooting ng international movie niyang Passional.

Unang dumating sa bansa ang grupo ng international movie at sumunod si Andrea kamakailan.

Kahit walang lovelife, sagana naman ang career ni Andrea, huh!

NON-SHOWBIZ BF, NASAMPAL!

IKINUWENTO ni Maja Salvador sa Eat Bulaga kahapon ang naganap na engagement nila ng non-showbiz boyfie na si Rambo Nuñez.

Nangyari ang engagement nila sa Palawan kasama ang mga pamilya nila pati na ang mother niyang bumalik from Canada.

Ayon sa pahayag ni Maja, nangyari ang proposal sa Easter egg hunting ng pamilya. Nakita niya ang malaking egg na may laman na singsing.

“Natural na speechless ako. Sa tuwa ko, natampal ko siya sa kaligayahan! Hahaha!” pahayag ni Maja.

Wala pang date ng kasal nila.

FallguySEAN, MALAYO ANG MARARATING — DIREK JOEL

PANG-ANIM na pelikula ni Sean de Guzman sa ilalim ni Direk Joel Lamangan ang Fall Guy mula sa 3:16 Media Network ni Len Carillo at Mentorque Productions ni John Bryan Diamante.

This week, walang higing si Sean kung magpapaseksi siya na unang genre na pinasok nang magsimula sa showbiz.

“Wala akong dudang malayo ang mararating ni Sean,” saad ni Direk Joel sa storycon ng movie.

Kabilang din sa cast ng Fall Guy sina Glydel Mercado, Tina Paner, Chloe Barreto, Marco Gomez at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE