Mclise

Elisse, may sey sa pagpapaseksi ni McCoy

April 18, 2022 Ian F. Fariñas 360 views

WALANG ideya si McCoy de Leon sa tsika ng diumano’y pagpapaseksi niya sa pelikula.

Gulat niyang sinagot kahapon ang isyu sa digital mediacon ng reunion project nila ng real-life partner na si Elisse Joson na Habangbuhay at tinanong kung saan nanggaling ang tsismis.

Aniya, para sa kanya ay talagang masarap gumawa ng proyekto o pelikula, ng isang obra, kaya naman mas tinututukan daw niya ang istorya.

Mukhang hindi pa sold si McCoy sa ideya ng pagbubuyangyang sa harap ng kamera at sa ngayon, eh, nagpapasalamat daw siya sa Viva dahil naiintindihan at alam nina Boss Vic del Rosario ang gusto niya at kung saan siya dapat na ilinya.

Sundot pa ni McCoy, siyempre ay may sey din kahit pa’no si Elisse sa ilang mga bagay pagdating sa career niya.

Gaya nga raw ng nasabi na nila, si Elisse na nga ang “forever” o pang-habangbuhay niya.

Hirit naman ng aktres, “We’re at that point na alam na namin talaga na forever ito, a road to forever. We always say that, alam naman na ng lahat at ang importante, alam na namin ’yon.”

Anyway, ang Habangbuhay ang unang pelikula ng McLisse matapos ang tatlong taon. Huli silang nagkasama sa Sakaling Maging Tayo.

Mapapanood ang reunion movie nila simula April 20 sa Vivamax Plus at April 22 sa Vivamax sa ilalim ng direksyon ni Real Florido.

AUTHOR PROFILE