Rabiya

Rabiya at Jeric nagkakamabutihan?

February 17, 2022 Aster Amoyo 557 views

IS there something special going on between former beauty queen-turned Kapuso actress Rabiya Mateo and Kapuso actor Jeric Gonzales? Kung ito’y totoo, wala naman sigurong masama dahil pareho naman silang single.

Rabiya was in a long relationship with a non-showbiz guy, isang nurse from Iloilo na si Neil Salvacion at tumagal din ng anim na taon ang kanilang relasyon.

Kung nurse ang ex-boyfriend ni Rabiya, under board nurse naman si Jeric na nagtapos ng nursing sa Calamba Doctors’ College in Laguna. Pero hindi pa siya kumuha ng board exam dahil sa hindi inaasahang pagpasok sa showbiz.

Somehow, related ang tinapos nina Rabiya at Jeric. Ang 2020 Bb. Pilipinas-Universe ay nagtapos ng Physical Therapy sa Iloilo Doctors’ College.

Si Rabiya ang bagong `lucky charm’ ni Sen. Bong Revilla sa bagong season ng “Agimat ng Agila”GMA habang si Jeric ay napapabalitang makakasama sa unang TV series na pagtatambalan nina Bea Alonzo at Alden Richards sa Kapuso network.

Dahil sa pagkaka-link ngayon kina Rabiya at Jeric, hindi malayong pagtambalin ang dalawa sa future TV projects ng GMA.

CesarCesar1Cesar balik-showbiz

AFTER several years of not doing any film, balik sa harap ng camera ang singer-composer, actor, director, producer, painter at entrepreneur na si Cesar Montano sa pamamagitan ng period movie na “The Blood Brothers” which he stars, directs, co-wrote and co-produces under his own film outfit, ang CCM Film Productions. Kasama niya sa movie sina Epy Quizon, Victor Neri, Allan Paule at marami pang iba.

Ayon sa ex-husband ng singer-actress na si Sunshine Cruz, maliit pa siyang bata ay mahilig na siyang kumanta at mag-drawing na unti-unting nag-manifest as he grew older.

Cesar was already in college nang magsimula siyang kumanta sa mga folk houses para magkaroon ng extra income. May mga kaibigan siyang nag-encourage sa kanya na mag-audition for acting workshop in CCP kung saan ang premyadong director na si Joel Lamangan ang nanguna. Isa rin siya sa nag-participatre sa audition noon ng Regal Films sa dating LVN Studios in Quezon City kung saan ang mga yumaong premyadong director na sina Ishmael Bernal, Marilou Diaz Abaya at Peque Gallaga ang namili ng tig-sampung male and female top auditioners at pumasok siya sa Top 10 male na kinuha ng Regal.

In 1979, he guested sa weekly drama anthology ni Maricel Soriano, ang “The Maricel Soriano Drama Special” at kasunod na rito ang iba’t ibang pelikula ng Regal in a supporting role tulad ng “Relasyon,” “Broken Marriage” at iba.

“May isang movie pa nga akong ginawa na wala akong dialogue. Talagang palamuti lang ako,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Cesar.

After doing some films with Regal, he was signed up by Seiko Films kung saan nagsimula ang kanyang lead roles at kasama na rito ang “Machete II”.

Cesar considers his “Rizal” movie directed by the late Marilou Diaz-Abaya under GMA Films his turning point bilang actor. Ito umano ang pinakamahirap na pelikulang kanyang ginawa in his entire career.

Bago nagsimula ang filming ng pelikula, pitong buwan umano siyang pinag-aral ni Direk Marilou ng Spanish language. Nakita rin umano niya kay Direk Marilou ang pagiging strict and disciplined bilang isang director. Hindi lamang sila nag-click bilang actor at director kundi naging close pa silang magkaibigan.

After “Rizal,” nagkatrabaho pa sila ni Direk Marilou sa dalawa pa niyang classic films, ang “Muro Ami” in 1999 at “Bagong Buwan” in 2001.

Marami pa umano silang planong gawin project ni Direk Marilou but she passed on nung October 8, 2012.

“I was so devastated sa pagkawala ni Direk Marilou. She was my mentor and a friend,” pag-amin ni Cesar.

Nung April 27, 2021 ay isa pang malapit na kaibigan ni Cesar ang sumakabilang-buhay, ang action director na si Toto Natividad.

“Direk Toto directed most of my action films and he was the one who encouraged me na magdirek. Siya ang unang naniwala na kaya ko (magdirek),” aniya.

In 2004 ay lakas loob na dinirek ni Cesar ang kanyang debut film bilang director which he also starred in and produced. Ito ay ang pelikulang “Panaghoy Sa Suba” (“Call of the River”) na humakot ng 16 awards sa 2004 Metro Manila Film Festival, including 2nd Best Picture, Gatpuno Villegas Cultural Award, Best Director, Best Supporting Actress, Best Screenplay, Best Musical Score. The movie also received 12 awards mula sa 2005 Gawad Urian at kasama rito ang Best Picture, Best Actor, Best Director, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, Best Music, Best In Production Design, Best Editing, Best Cinematography, Best Screen lay at iba pa. Walong awards naman ang natanggap ng pelikula mula sa Film Academy Awards in 2005 at kasama rito ang Best Picture, Best Director, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress, Best Sound, best Cinematography, Best Editing, Best Music. The same movie won Best Picture and Best Director sa International Festival of Independent Films sa Brussels, Belgium. Siya rin ang tinanghal na Best Actor ng Golden Screen Award ng Entertainment Press for the same movie. Ang maraming parangal na nakuha ng pelikulang “Panaghoy sa Suba” ang siyang naging inspirasyon ni Cesar upang ipagpatuloy niya ang pagdidirek ng mga pelikula na siya rin ang lead actor at producer.

“Kaya, sina Direk Marilou at Direk Toto ay ang dalawa kong mentors na hinding-hindi ko makakalimutan habambuhay,” pahayag pa ni Cesar.

Cesar tried politics twice, bilang senador at gobernador ng Bohol but failed kaya siya’y naniniwala na ito’y pahiwatig umano sa kanya ng Diyos na mag-focus sa kanyang showbiz career na pansamantala niyang iniwan when he was appointed by then President Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Special Envoy for Films and Cinema at ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chief Operating Officer of the Tourism Promotions Board, an attached agency of the Department of Tourism.

“Sobra kong na-miss ang umarte at paggawa ng pelikula,” pag-amin niya.

During this pandemic, he made use of his time sa pagpi-pinta at pagsulat ng mga film materials. Most of his paintings cost about half a million pesos and above.

Ngayong balik-showbiz si Cesar, he hopes to be more active hindi lamang sa paggawa ng pelikula kundi maging sa telebisyon. Huli siyang napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan at pinamamahalaan ni Coco Martin on ABS-CBN.

In 2008, Cesar hosted a game show on ABS-CBN, ang “The Singing Bee”. Sumubok din siya sa ilang teleserye at TV sitcom.

“I’m back in showbiz for good,” aniya.

ViceVice Ganda at Ion magkakaroon ng ceremonial wedding celebration sa Pilipinas

HINDI lamang ang publiko ang ginulat nina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang ginawang pagpapakasal sa Las Vegas, Nevada nung October 19, 2021, six days before their second anniversary kundi maging ang kanilang mga kasamahan sa “It’s Showtime”. The couple got engaged sa bahay mismo ni Vice nung February 21, 2020.

Originally, plano sana ni Ion na mag-propose kay Vice sa programang “It’s Showtime” pero hindi umano siya pinayagan. Ang dalawa sa mga kasamahan nila sa “It’s Showtime” na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz ang nakakaalam sa plano noon ni Ion na proposal kay Vice. Dahil hindi pumayag ang pamunuan ng “It’s Showtime” sa plano ni Ion, sobrang nalungkot ang host-actor kaya sa bahay ni Vice na ito nag-propose kahit hindi umano nakaayos ang comedy superstar. But they kept it a secret maging ang kanilang wedding in Las Vegas nung isang taon until nitong Valentine’s Day nang ito’y ibalita mismo ni Vice sa kanyang vlog.

After their Las Vegas, Nevada wedding, plano nina Vice at Ion na magkaroon ng ceremonial wedding celebration isa sa mga araw na ito dito sa Pilipinas na inaasahang dadaluhan ng kanilang respective families at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE