Edu

Edu at Cherry Pie, bet magka-baby

February 16, 2022 Vinia Vivar 356 views

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache na magkaroon ng baby.

Sa latest vlog ni Cherry Pie kung saan ay guest niya si Edu, sinagot ng magkarelasyon ang tanong sa kanila at isa na nga rito ay kung gusto pa nilang magka-baby.

“Who wouldn’t want babies?” sey ni Edu.

“Talaga?” natutuwang tanong naman ni Cherry Pie.

“Oo naman,” sagot ni Edu.

“Lalo na ‘ko,” sey ni Pie. “I only have one (child).”

Ang tinutukoy ni Pie ay ang nag-iisa niyang anak na si Nio Tria.

“No, I mean, ’di ba, it would be nice? Siguro ang ganda ng anak natin,” sey ni Pie kay Edu.

Ayon naman sa aktor, ang pangarap daw niya talaga ay maisayaw ang kanyang anak na babae sa 18th birthday nito.

Hindi raw ito nangyari nang mag-debut ang anak niyang si Addie.

“Naghanda ako, nagpa-dancing lesson pa ako, tapos biglang sinabi, ‘Daddy, ‘yung gagastusin na lang sa party, punta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Bora.’ Pinaghandaan ko pa naman ‘to, pinag-ipunan ko. Pero ang importante, ‘yung kaligayahan niya, hindi ‘yung akin,” kwento ni Edu.

May nagtanong naman kung hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa isa’t isa at ang sweet ng kanilang mga sagot.

Sabi ni Pie, “Of course, I’ll do everything for you. Hindi ako ‘andidito para kumpletuhin ang buhay mo as much as medyo kumpleto na. Pero nandidito ako para dagdagan. You know, to add more love, to make you more happy, to make you more productive, to make you more a better person. And you know that I’ll always be behind you in everything. So, I hope that I am able to do that and whatever you need.”

Sabi naman ni Edu, dapat naman daw talaga ay “all the way or no way. You know, you really have to give your best. Otherwise, what’s the point?”

AUTHOR PROFILE