Default Thumbnail

QC Pailaw Project pinalagan

November 22, 2021 People's Tonight 232 views

BINATIKOS ng mga residente ng Brgy. Pansol ang ‘Pailaw Project’ para sa 600 na kabahayan sa lungsod ng Quezon.

Ani ng ilang residente, nagbayad sila para sa pagkakabit ng mga kable, wires at buwan-buwan din umano nila babayaran ang kanilang bill para sa kuryente.

“Hindi biro ang gastos plus sa panahon ng pandemic!” sabi ni Aling Lynn.

“Gumastos kami,” dagdag ng isang nagngangalang Mang Mel.

Ayon naman sa isa pang residente na si Mang Jesus, matagal na umano silang may ilaw at kuryente, habang ang iba ay wala.

Ayon kay Cong. Allan Benedict Reyes, mga residente ng Brgy. Pansol ang nagbayad kaya dapat lang sa kanila ang pagpupuri.

“Nasa Brgy. Pansol po ako, nagconduct kami ng ‘Mobile Gupitan’, halos lahat nagsabi meron po kaming binayaran,” sabi ni Cong. Reyes.

“Pwede naman na inendorse para ma-expedite, para ma-fast-track, that is a different story kung inendorse mo lang, tinulungan mo para sila ay makapagtrabaho na, o malagyan na sila ng kuntador,” pahayg naman ni Cong. Precious Castelo.

“These are little things na problema na we can assist as congressmen and congresswomen,” sabi naman ni Cong. Onyx Crisologo

“Ang daming umaangal,” sabi ni Cong. Bingbong Crisologo.

AUTHOR PROFILE