Default Thumbnail

Publiko pinag-iingat sa mga pekeng survey

January 29, 2022 People's Tonight 260 views

PINAG-IINGAT ang publiko ng samahan ng mga “politicial analyst at statistician” hinggil sa mga kumakalat na mga pekeng survey sa bansa.

Ayon kay Ralph Rodriguez, tagapagsalita ng grupo, dapat ay maging maingat ang publiko at huwag maniwala sa mga “fly-by-night” survey results.

Naging sentro ngayon at usap usapan ang isang Public Relations o PR consultancy na pinatatakbo ng isang tao lamang.

“How can you do or conduct political surveys na hindi naman siya eksperto—kung “pr man” ka ibig sabihin nagpapabango ka ng pulitiko, ayon kay Rodriguez.

Sa pahayag naman ni dating Secretary at Mayor Hernani Braganza, na pamangkin ni dating Pres. Fidel Ramos na walang koneksiyon ang dating pangulo sa taong nagpapatakbo ng nasabing PR Consultancy firm at lalo na sa kaniyang opisina.

Noong 1998 ay lumabas sa survey ng nasabing PR Consultancy firm na panalo daw si Joe De Venecia, sumunod ay sure winner naman daw si Manny Villar (2010), pero natalo ng malaking margin sa Presidential race.

Maging sa lokal na halalan, si Pres. Duterte at Mayor Inday Sara siguradong talo na raw sa pagka Mayor and Vice Mayor nuon sa Davao City pero nanalo ng landslide.

“Nababahala kami dahil maaring gamitin ng mga illegal survey group para ikundisyon ang utak ng mga botante. Ayaw natin mangyari yan kaya mag inggat tayo” pahayag pa ni Rodriguez.

Nabatid na ang mga lehitimong political survey firm sa bansa ay ang Social Weather Station (SWS), Pulse Asia, Ibon Foundation, Publicus Asia Inc., RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), Laylo Research Strategies at Philippine Survey and Research Center (PSRC).

AUTHOR PROFILE