Jak

Production people, problemado sa schedule ng bidang aktor

October 11, 2021 People's Tonight 369 views

NAKATENGGA ngayon ang ilang production people na kinuha ng isang producer para sa isang project na matagal nang nakaplano.

Mabuti na lang, free board and lodging ang mga taong ito at nabibigyan daw ng daily allowance.

Hindi pa rin daw kasi nakapagbibigay ng araw ng shooting ang bidang aktor.

Kung dati ay hirap sa location sites ang ilang production people para sa movie, ngayon ay ang schedules naman ng aktor ang problema, huh!

IPINATATAYONG BAHAY NI JAK, ’DI PARA KAY BARBIE

NAKABILI na ng lupa sa Quezon City ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Inaayos na ni Jak ang bahay na ipagagawa. Hindi pa naman daw ito para sa kanila ng girlfriend na si Barbie Forteza.

Samantala, ang kapatid naman niyang si Sanya Lopez, eh, may sarili na ring bahay at lupa.

Masuwerteng maituturing ang magkapatid na Jak at Sanya dahil kapwa sila alaga ng GMA Network.

Mapapanood si Jak sa mini-series na Stories From The Heart: Never Ever Say Goodbye kasama nina Klea Pineda at Lauren Young bilang kapalit na magtatapos na Loving Miss Bridgette. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE