Bida

PRO 6 chief nakiisa sa ‘BIDA’ program

November 26, 2022 Jonjon Reyes 368 views

PINANGUNAHAN ni Regional Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco ng Police Regional Office 6 (PRO 6) ang paglalakad at pananalita bilang pagsuporta at pakikiisa sa sabay-sabay na nationwide grand launch ng “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o “BIDA” na programa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Esplanade 3, Mandurraio, Sabado sa Iloilo City.

Layunin ng BIDA program na itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng komunidad sa pagbabawas ng gumagamit ng droga.

Ito ay isang pinaigting at mas “holistic” na kampanya laban sa ilegal na droga upang bawasan ang demand sa mga komunidad na binibigyang-diin ng PNP (Philippine National Police), PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), NBI (National Bureau of Investigation) at iba pang ahensiya sa patuloy na inisyatibo ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na droga sa loob ng balangkas ng batas, na may paggalang sa karapatang pantao, na pinupunan sa pamamagitan ng rehabilitasyon at pag-unlad ng socio-economic.

AUTHOR PROFILE