Prince Harry at Meghan ordinaryong mamamayan na sa Amerika

March 19, 2024 Aster Amoyo 124 views

Harry1MAGMULA nang bumaba sa kanilang royal duties as members of the royal family sina Prince Harry at Meghan Markle, Duke and Duchess of Sussex nung January 2020 and severed their ties with King Charles III and Prince Harry’s elder brother (who is next to the throne) William, Prince of Wales dahil sa kanilang sunud-sunod na pasabog during the exclusive interview with Ophrah Winfrey at ang explosive book ni Prince Harry titled “Spare” ay unti-unti na rin silang inalisan ng kapangyarihan bilang miyembro ng royal family. Just recently, tinanggal na rin sila Prince Harry at Meghan sa Royal Website. Maging ang kanilang tinirahang Frogmore Cottage ay inalis na rin sa kanila including other privileges accorded to members of the royal family.

Ang mag-asawang Prince Harry at Meghan kasama ang dalawa nilang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet ay nakatira ngayon sa Montecito in Santa Barbara, California, USA na binili mismo ng royal couple ng $14.65M in a 7.4 acres compound without the help ng royal family.

Si Prince Harry ay pang-lima sa trono after Prince William and his three children na sina Prince George, Princess Charlotte at Prince Louis. Pero dahil bumaba na si Prince Harry sa kanyang royal duties, malamang na tanggalin na rin siya sa line of succession to the throne.

Couple Prince Harry and Meghan with their two kids are now residing as private citizens in America and earning their own living. Hindi kami magtataka kung pati ang titulo bilang prinsipe at pagiging Duke and Duchess of Sussex respectively ay tanggalin na rin sa mag-asawa balang araw.

How sad.

Baron tumanataw ng utang na loob

BaronBaron1Baron2DEARLY Beloved” lead actor Baron Geisler admits that his transformation for the better is still a work in progress and his doing his very best na huwag na siyang bumalik pa sa dati niyang naging problema. He’s grateful, una sa Diyos at sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya at nagbibigay na panibagong pagkakataon laluna in terms of TV and movie projects.

“Maraming beses na akong nagkamali at nadapa pero hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos. He’s always there to lift me up,” aniya.

Baron admits na malaki na umano ang kanyang ipinagbago nang dumating sa kanyang buhay ang kanyang wife na si Jamie Marie Evangelista-Geisler at anak nilang si Talitha Cumi and his two stepsons (from his wife’s previous relationship).

Baron met Jamie, a Cebuana psychologist while he was in a rehab in Cebu City. Niligawan niya ito hanggang maging sila. He proposed to her in July 2019 na sinundan ng kanilang pagpapakasal in a civil wedding ceremony in Quezon City Hall nung September 12, 2019.

Marriage is not a bed of roses for Baron and Jamie na dumaraan pa rin sa maraming pagsubok. There was even a time na nagkahiwalay sila but after two months ay muli silang nagkabalikan.

Bukod sa anak nila ni Jamie na si Talitha and his two stepsons (kay Jamie), Baron admitted to us that he has two elder daughters from two different women bago pa man sila nagkakilala ng kanyang wife. But he admits na wala umano siya habang lumalaki ang kanyang mga anak who are aware sa kanyang mga pinagdaanan. But he’s praying na sana’y dumating ang tamang panahon na magkaroon siya ng relasyon sa kanyang elder daughters at matanggap din sila ng kanyang wife at bunso niyang anak na si Talitha.

“Marami akong pagkukulang at gusto kong makabawi sa kanila,” pag-amin pa niya.

Nung mga panahon na siya’y nagloloko ay bukod tanging si Direk Brillante Mendoza lamang among the producers ang nagtitiwala sa kanya. Na sinundan ni Coco Martin nang siya’y ipasok sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” at kasunod na rito si Boss Vic del Rosario ng Viva who even signed him up to a management contract. Over at Viva, naging sunud-sunod ang kanyang movie and TV assignments. Balik siya muli sa pamamahala ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Nag-number one sa Netflix ang kanyang “Doll House” movie na dinirek ng kanyang “Dearly Beloved” director na si Marla Ancheta who also directed the movie “Finding Agnes” in 2020 and “Ikaw” in 2021.

Ang “Dearly Beloved” ay produced ng Viva Films and will hit the movie screens on March 30.

“Kung nagustuhan nila ang ‘Doll House,’ tiyak na maiibigan din nila ang “My Dearly Beloved” namin ni Crisine (Reyes). Ang galing-galing niya in this movie,” pagmamalaki pa ni Baron na malapit na namang mapanood sa Netflix sa pamamagitan ng “Moro” directed and produced by Brillante Mendoza kung saan din tampok sina Christopher de Leon, Ina Feleo at Laurice Guillen. He is soon to start filming “Juan Luna” under OctoArts Films and ALV Films at may iba pa umano siyang projects na naka-line up.

“Thank you Lord for the continued blessings!” bulalas pa niya.

Jhong proud sa anak na nag-viral

JhongJhong1HANDS-on dad ang singer, dancer, actor, host at politician na si Jhong Hilario sa kanyang almost three-year-old daughter na si Sarina Azores Hilario sa kanyng longtime non-showbiz partner na si Maia Azores.

During the pandemic, nag-leave pansamantala si Jhong sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime” para ma-proteksyunan ang kanyang pamilya sa virus laluna ang kanyang bagong silang na baby noon na si Sarina. Pero nang unti-unting bumalik sa normal ang lahat, bumalik si Jhong sa “It’s Showtime” habang tutok pa rin siya sa kanyang anak na si Sarina at ng kanyang partner na si Maia.

Kahit hindi pa nagsasalita noon si Sarina ay nakaugalian na ni Jhong na kantahan ng mga lumang songs ang kanyang baby na unti-unti nilang na-absorb when she turned 1 year old and two years old.

Naging matiyaga si Jhong sa pagtuturo sa kanyang anak hanggang matuto itong kumanta. Most of the songs na itinuturo ng singer-dancer-actor-politician sa bata ay pawang mga lumang kanta at kasama na rito ang “Fly Me To The Moon” ni Frank Sinatra which she recorded at ginawan ng music video.

Sobrang proud si Jhong sa kanyang anak na si Sarina dahil sobra umano itong talino. Nakaugalian na rin ng singer-actor-dancer na ilagay sa Tik Tok ang moment nilang mag-asama kung saan mataas ang kanilang followers.

Hindi rin inaasahan ni Jhong na agad papalo sa 1m views ang music video ni Sarina singing “Fly Me To The Mon” when it was uploaded. To date, she already have 15.8K subscribers and fast growing.

Kahit magti-three years old pa lamang si Sarina sa darating na March 27, marami na ang followers ng bata.

Dahil sa pag-viral ng “Fly Me To The Moon” song ni Sarina, she and her parents are invited by Hong Kong Disneyland all expenses paid for.

Even at an early age ay may signs na si Sarina na mag-showbiz someday na hindi naman pipigilan ni Jhong and his partner na si Maia kung gugustuhin ng kanilang anak.

`Old soul’ na maituturing ang bata dahil pawang old songs ang mga alam na kanta nito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE