Kim

KimPau twinning sa Taylor Swift shirt

March 18, 2024 Vinia Vivar 155 views

Isa si Kim Chiu sa mga celebrity na tumungo ng Singapore kamakailan para manood ng “Eras Tour” ni Taylor Swift. Ayon sa aktres sa panayam ng ABS-CBN, lumipad siya nang magkaroon ng day-off sa taping ng “What’s Wrong with Secretary Kim.”

Ang leading man niyang si Paulo Avelino, panay ang pigil sa kanya na umalis.

“Ang dami niyang sinasabi sa akin na pangpakonsensya. Sabi niya, ‘kung ma-delay, paano ang taping natin the next day?'”

Dagdag pa niya, “Sabi niya, ‘huwag ka na umalis magpapagod ka lang, ang dami mo pang eksena sa ganito.’ Whole day rant.”

Pero hindi nga nagpapigil si Kimmy at lumayas pa rin. Pero pagbalik niya ay pinasalubungan niya ang leading man ng black Taylor Swift shirt.

Kwento ni Pau sa sabay na panayam with Kim, “Sabi ko kasi sa kanya, (pahingi ng) pasalubong. Feeling ko shirt niya ‘yun (‘yung binigay niya).”

Sagot naman ni Chinita Princess, “Of course not. Sabi niya, hoodie. Sabi ko handcarry lang ako.”

Biro pa niya kay Paulo, “Hindi mo ako binigyan ng pocket money. Tapos hindi ko naman alam na susuotin niya kasi Taylor Swift.”

Sey ng aktor, black naman kaya isinuot niya.

“Natuwa ako. Tapos sabay namin siyang nasuot. Ginaya niya ako,” tsika ni Paulo.

Matatandaan ngang kamakailan ay nag-viral ang video kung saan ay makikitang sabay nilang suot ang Taylor Swift shirt sa taping.

AUTHOR PROFILE