Default Thumbnail

Preso na, arestado pa

November 8, 2021 Francis Naguit 222 views

SA piitan ng Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) ng Candon City, Ilocos Sur, isinerve ang warrant of arrest dahil sa illegal recruitment laban sa isang 43-anyos na ginangng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MOD) at ng Candon City police.

Nasa P120,000 ang nakalaang piyansa para sa pansamantalayang paglaya ng suspek na nakilalang si Analyn Ducusin, may asawa at residente ng Pariok 1st Candon , Ilocos Sur.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., MPD- Sta.Ana Police Station 6 commander, bandang 10 a.m. ng Sabado nang i-serve ang arrest warrant kay Ducusin sa nasabing piitan.

Ayon sa pulisya, nakipag koordina sina P/ Major Geuel Capuz, hepe ng Intelligence Section, kasama si P/ Lt Renato Ramento, hepe ng Warrant Section at tatlo pang mga tauhan ng MPD sa station commander ng Candon Police Station na si P/ Lt.Col.Randy Rocero Arellano upang ikasa ang arrest warrant kay ginang Ducusin.

Ang warrant of arrest for illegal recruitment ay inisyu laban sa suspek ni Judge Asuncion Fikingas-Manda, ng Regional Trial Court Branch 29 ng Fernando City La Union.

Ayon pa sa korte, ang ginang ay nauna nanh nakulong dahil sa umano’y sangkot din ito sa illegal recruitment, large scale estafa at economic sabotage. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE