Tiger Pormal na inilunsad noong Jan. 31 ng Philippine Postal Office ang 2022 Year of the Tiger Commemorative Stamps na ginanap sa Seascapes Village sa CCP Complex Pasay City.

Post Office naglunsad ng Year of the Tiger stamps ngayong Chinese New Year

February 1, 2022 People's Tonight 201 views

PORMAL na inilunsad noong Jan. 31 ng Philippine Postal Office ang 2022 Year of the Tiger Commemorative Stamps na ginanap sa Seascapes Village sa CCP Complex Pasay City.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, Ito ang kanilang natatanging paraan upang ipagdiwang ng simple ang Lunar Year, lalo na at kanselado ang mga festivities dahil sa COVID-19 pandemic ngayong February 1.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Secretary Bernie Cruz ng Department of Agrarian Reform (DAR); Ms. Mary Ng Go, Executive Vice President of Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. ; Stanley K. Ng, President and COO of Philippine Airlines; David U. Ong, Co-Chairman, Tax & Business Advocacy Committee, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. at si Benito G. Techico, Managing Director, The Cuisine of the Phils. Inc.

Ito ang taon ng water tiger, na siyang ikatlo sa 12 zodiac animal signs ng Chinese lunar calendar.

Available ang mga stamps, souvenir sheets at ang official first day covers ng “New Year 2022: Year of the Tiger Stamps” simula January 31, sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio. Para sa mga interesado, maaaring makipag-ugnayan sa PHLPost at i-check ang kanilang Facebook page.

AUTHOR PROFILE