PIA Photo: Pia Wurtzbach/IG (piawurtzbach)

Pia Wurtzbach maglalabas ng self-written novel ngayong Setyembre

August 4, 2023 People's Tonight 1581 views

Inanunsyo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey na nakatakdang ilabas ang kanyang nobelang isinulat na pinamagatang “Queen of the Universe,” sa Setyembre ngayong taon.

Sa isang post sa Instagram, isinapubliko ni Pia ang unang pahina ng kanyang nobela, at ipinahayag ang kanyang excitement sa proyekto. “A novel by Pia Wurtzbach…that sounds good.”

Aniya, “Here’s a first look at the first page of my first book ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.'”

Ayon pa kay Pia, ang nobelang ito ay magiging available sa Pilipinas sa Setyembre, habang sa ibang bansa ay ilalabas ito sa Nobyembre 2023.

Nagbigay naman ng kani-kanilang pagbati at excitement ang mga kapwa beauty queen at mga kilalang personalidad para sa darating na nobela ni Pia.

AUTHOR PROFILE