PH

Pambato ng Laguna wagi bilang Miss PH Earth 2023

April 30, 2023 People's Tonight 1292 views

NAGWAGI at kinoronohan ang pambato ng Siniloan, Laguna na si Yllana Marie Aduana bilang Miss Philippines Earth 2023.

Ang grand coronation ng nasabing pageant ay ginanap nitong Sabado, April 29, sa Toledo City, Cebu.

Mula sa 29 na kandidata, si Yllana ang pinalad na nakasungkit ng inaasam na korona. Ang mga kandidatang ay nagmula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ilang nabibilang sa Filipino communities sa ibang bansa.

Nanalo rin ng titulo sa nasabing pageant ang lima pang kandidata.

Una na si Kerrie Reily ng Mangatarem, Pangasinan na nakakuha ng titulong Miss Philippines Air 2023.

Ang tubong Puerto Princesa, Palawan naman na si Jeremiah Joy Zabala ang hinirang na Miss Philippines Water 2023.

Si Sha’uri Livori na ngayon ay kinikilalang Miss Philippines Fire 2023 ay nagmula sa Filipino community ng Melbourne, Australia.

Samantala, Miss Philippines Eart-Eco Tourism 2023 title ang nasungkit ng kandidatang si Athena Auxillo ng Toledo City.

Ang mga kandidatang sina Quennie Salac ng Filipino community ng Milan, Italy; KC Falcasantos ng Dipolog, City; Ma. Cristina Tallador ng Iloilo City; Cea de Jesus ng Taguig City; at Princess Lazaga ang mga nagwaging makapasok sa Top 10 ng Miss Philippines Earth 2023.

Naging matagumpay ang grand coronation night sa pangunguna ng mga kilalang host na sina Robi Domingo, Miss Earth 2008 Karla Henry, at Miss Earth 2014 Jamie Herrel.

Sa panayam sinabi ni Yllana na pangalawang beses na niyang sumali sa naturang pageant.

“I’m joining for just the same reason of wanting to promote the environmental causes. And now, I am strengthening it with education…”

“I’m very much excited to be able to strengthen this mission with education, be able to encourage people to live a zero waste in a sustainable lifestyle, just as what I was advocating way back in 2021” ani ni Yllana. Ni CHRISTINE MACALALAD (OJT)

AUTHOR PROFILE