Piolo

Piolo, game magtrabaho sa Villar network

February 13, 2022 Ian F. Fariñas 439 views

BUKAS ang forever Kapamilya na si Piolo Pascual sa pakikipagtrabaho sa Advanced Media Broadcasting System o AMBS ni dating Senator Manny Villar.

Ito ang sinabi ng aktor sa virtual mediacon ng bago niyang “sweetcom,” My Papa Pi, kasama sina former Miss Universe Pia Wurtzbach at komedyanteng si Pepe Herrera sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia.

“As long as there is no conflict, you know, mga deal naman sa abs, as long as hindi siya conflict sa shows mo with abs, then I don’t think it’s gonna matter.

“Yeah, as long as the concept is good. Pero, for now, I’m just gonna bask in whatever I have right now with abs. There are so many shows that I’m working on so I don’t think I have the time for that in the near future,” paliwanag ni Piolo.

Kaugnay naman ng My Papa Pi, sinabi ng aktor na “It’s a nice breather. I even surprise myself dito sa show. Ang sarap having a solid cast and a director na fun. ‘Pag nakakapagpatawa ka o nakakapagbigay ng ligaya sa paligid mo, it’s a nice feeling pabalik sa ‘yo.”

Ang kwento ng “sweetcom” ay iikot sa single dad na si Pipoy, ang kambal niyang si Popoy (Pepe) at si Tere (Pia), great love ni Popoy pero in love kay Pipoy.

Mapapanood na ito simula Marso 5 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC at TFC mula sa Star Creatives.

AUTHOR PROFILE