Ivana

Ivana, nangitim ang kili-kili

February 13, 2022 Vinia Vivar 602 views

Sa latest YouTube vlog ni Ivana Alawi ay ni-launch niya ang kanyang bagong skin care, ang Ivana Skin, na tatlong taon na rin daw niyang tinatrabaho.

Bago raw niya ito inilabas sa market ay talagang sinubukan muna niya sa kanyang sarili.

“Merong mga product na minsan, nada-damage ‘yung skin mo kasi parang hindi maganda ‘yung ingredient. Nangitim talaga ‘yung kili-kili ko du’n. Parang nasunog. So, hindi siya maganda. Hindi ko siya nilabas,” kwento ni Ivana.

Pinaghirapan daw niya talaga ang mga produkto niya at pinerpekto talaga nila bago ilabas.

Naibahagi nga rin ni Ivana sa vlog na dati siyang online seller. Nagbebenta-benta raw siya before ng mga damit at ang Ate Almira pa niya ang nagmo-model ng mga ibinebenta niyang damit.

Gumagawa rin daw siya ng mga bracelet at pagkatapos ay ibinebenta niya.

“I am proud na nagawa ko ‘yun and marami akong naging benta no’n. Pero may mga nanloloko,” kwento niya.

Ilang beses raw siyang naloko noong online seller siya kaya tumigil na lang siya.

“So guys, be careful lang,” sey niya.

Kaya naman gusto raw niyang i-open itong bago niyang negosyo sa mga online reseller and distributor para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na kumita dahil alam niya ang hirap ng ganitong trabaho.

Humanga naman ang fans ni Ivana na mula sa pagiging online seller, ngayon ay CEO na ng sariling negosyo ang aktres/vlogger.

AUTHOR PROFILE