Kris

B-day wish ni Kris, dasal para sa taong mahal niya at ni Noynoy

February 13, 2022 Ian F. Fariñas 329 views

KASABAY ng Araw ng mga Puso ngayong Lunes ang 51st birthday ni Kris Aquino na, as we all know, ay nakikipaglaban sa auto immune disease. Kaya naman ang birthday request niya ay dasal imbes na materyal na regalo.

Sa isang mahabang Instagram post nu’ng Sabado ng gabi, sinabi ni Kris na dasal ang pinaka-kailangan niya sa ngayon.

Aniya, “Best birthday gift you can give me — PLEASE DON’T spend more money on me. NAKAKAHIYA, and I feel insensitive to the needs of our fellow Filipinos. Alam ko how much food costs have gone up plus ang MAHAL ng flowers kasi nga Valentine Season.”

Patuloy niya, “As I’ve said, Noy’s death profoundly changed me – and I THANK GOD for the BETTER… I now much more fully understand the meaning behind the song PANANAGUTAN…”

Hinikayat din niya ang kanyang followers na mag-donate na lamang sa kanyang mga advocacy at charitable program kesa magregalo sa kanya.

“PLEASE, unahin nyong regaluhan ang iba, please choose who really needs your financial support now,” diin ni Kris.

Ang kanyang birthday wish?

“My true birthday wish? Please pray for someone both Noy & i LOVE so dearly. Because i want to protect the person’s privacy ang HIRAP magbigay ng detalye,” she said.

Hindi pinangalanan ni Kris ang taong ito, pero giit niya sa IG, “BEST BIRTHDAY GIFT ever unahin nyo ang dasal para sa kanya then later na ko.”

AUTHOR PROFILE