Pintor Source: PNP Dinapigue

Pintor ng auto timbog sa paglabag ng VAWC Act

March 27, 2024 Steve A. Gosuico 145 views

SAN JOSE CITY – Inaresto ang isang 30-anyos na pintor ng sasakyan dahil sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 dito noong Martes.

Sinabi ni city police head Lt. Col. Ariel V. Enriquez na kanilang natimbog ang suspect sa ikinasang manhunt operation nitong alas-10:20 ng umaga dito.

Hindi nanlaban ang suspek sa pag-aresto nang isilbi ang warrant of arrest sa kanyang bahay sa Zone 7, Bgy. Abar 1st.

Ang pag-aresto sa kanya ay isinagawa batay sa warrant na ipinalabas ng Branch 29, ng San Jose City Regional Trial Court noong Pebrero 29, 2024 na may inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na itinakda sa P72,000.

Nakakulong na ngayon ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE