Default Thumbnail

P72M MJ narekober sa Benguet ng NBI

March 27, 2024 Jonjon Reyes 107 views

NASAMSAM ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation Cordillera Administrative Region (NBI-CAR) at iba pang ahensya ng gobyerno ang P72 milyong halaga ng marijuana sa isinagawang operasyon sa Sitio Sangilo, Camp 4, Tuba, Benguet.

Ayon sa NBI, target sa interdiction/operation ang big time marijuana cultivator/distributor sa nasabing probinsya.

Katuwang ng NBI-CAR ang PNP Tuba MPS, PDEU/PIU, PIDMU – Benguet, PDEA – Baguio-Benguet, PDEA – CAR, RSET at 2nd PMFC-Benguet PPO sa operasyon kung saan nasamsam ang 600 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot sa black plastic sheets at sako na aabot sa naturang halaga.

Itinurn-over na sa PNP Tuba MPS ang nakumpiskang marijuana para sa dokumentasyon at ipinadala sa RFU- Cordillera para sa qualitative forensic examination.

Sa imbestigasyon, nalaman na ang property ay inuupahan ng isang Felimon kung saan hindi batid ng may-ari na ginawa itong taniman ng marijuana.

Kasong paglabag sa R.A 9165 ang isasamapa laban kay Felimon at kanyang kasabwat.

AUTHOR PROFILE