Default Thumbnail

Pinsala ng ITCZ sa Region 10 umabot sa P77M

July 1, 2023 Zaida I. Delos Reyes 201 views

UMAKYAT na sa mahigit P77 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Region 10 o Northern Mindanao.

Ito ay batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Ayon sa ulat, umaabot sa P77,327,595 ang pinsala ng ITCZ sa agricultura sa Region 10 habang P8.61 million naman ang pinsala sa imprastraktura.

Siyam na kalsada na rin ang naapektuhan, ayon sa NDRRMC.

Umabot din sa 143 kabahayan ang nasira kung saan 75 sa mga ito ang totally damaged.

Nasa 11,065 pamilya o 52,209 katao din ang naapektuhan ng baha sa 23 lugar sa rehiyon.

Nakapagtala din ng apat na landslides at isa ang namatay.

Bago ang landslides, naiulat na 99 pamilya o 357 katao na naapektuhan ng baha sa Pigcawayann, Cotabato sa Region 12.

Nasa 119 magsasaka din na nagsasaka sa 106.25 hektarya ng lupa ang naapektuhan.

Sa CARAGA, limang lugar ang binaha at isang landslide ang naitala. Nasa 848 pamilya na katumbas ng 4,648 katao ang naapektuhan.