Default Thumbnail

Rider dedo sa salpukan ng motor at trak

July 1, 2023 Jojo C. Magsombol 1149 views

DEDO ang rider ng motorsiko at malubhang nasugatan ang kanyang angkas nang makabangga niya ang truck na puno ng tubo sa national highway ng Barangay Sampaga, Balayan, Batangas.

Kinilala ng Balayan town police ang nasawi na 21-anyos, binata, helper, at residente ng Barangay Malalay, Balayan, Batangas.

Nakilala naman ang sugatan niyang angkas na 32-anyos, binata, helper, at residente ng Barangay Dacanlao, Calaca, Batangas.

Ayon sa report, bandang 10:30 ng gabi noong Hunyo 30, 2023 ng isang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen na nagreport sa mga pulis na may nangyaring banggaan sa nasabing lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na nagmamaniobra pakaliwa ang driver ng truck (DBV-193) sa highway sakop ng Barangay Sampaga nang aksidenteng makabanggaan ang paparating na isang Honda TMX 125 na minamaneho ng nasawi.

Sinabi ng pulisya na mag-asawa ang nakasakay sa truck ng may lulang tubo.

Papunta umano sa timog-silangang bahagi ng Calaca City ang motor.

Isinugod sa hospital ang mga biktima pero dead-on-arrival na ang rider, ayon kay Dr. Mary Ann Arellano. Nagtamo naman ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang angkas ng nasawi.

AUTHOR PROFILE