Globe

Pinaigting na pagpapatupad sa RA 11934 susi sa pagsugpo ng online fraud — GlobeTel official

September 12, 2023 People's Tonight 322 views

ANG SUBSCRIBERS Identity Module registration ay nagtutukoy lamang ng pagkakakilanlan ng may-ari ng SIM cards upang matiyak ang pagtunton sa mga dapat papanagutin kapag ginamit ang mga ito sa paggawa ng cybercrimes.

“And it is only the first step towards an intricate and highly technical approaches which aimed at curbing online scams,” wika ni Atty. Froilan Castelo, ang general counsel ng Globe Group.

Gayunman ay naiuulat na ang talamak na pagsasagawa ng iba’t-ibang panloloko at krimen sa online ay sa pamamagitan ng over- the-top (OTT) messaging at SIM cards na inisyu ng international telecom providers na ang operasyon ay hindi umano saklaw ng Republic Act 11934, o ang bagong batas sa SIM registration, at iba pang security protocols na ipinatupad ng mga lokal na telco.

Ang OTT messaging ay tumutukoy sa pagpapadala ng mga mensahe sa internet na hindi na dumaraan sa cellular network channels.

Sa messaging apps na ‘tulad ng Viber, WhatsApp, Telegram, Signal at WeChat ay nakakapagpadala ang subscribers ng text messages, multi-media messages, videos, at photos, at nakakapagsagawa pa ng voice at video calls gamit ang Wifi o internet connection na hindi na kinakailangan ang cellular network.

Ang OTT apps ay nag-o-operate umano sa mas mababang halaga ngunit nananatiling epektibong communication tool, lalo na para sa international messaging at calls, at maaaring magamit kahit walang SIM card number tulad ng Facebook Messenger.

Upang matugunan ang mga salimuot na dulot ng OTT messaging na ginagamit bilang instrumento sa paggawa ng cybercrimes ay sinabi ni Castelo na nakahanda ang Globe na makipagtulungan sa pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang lahat ng uri ng online offenses.

“Criminals will always try to find a way to circumvent the law, the reason why we are in pursuit with other stakeholders to be a step ahead of their schemes,”pagbibigay-diin ni Castelo.

Kasabay ng babala sa publiko laban sa pagbebenta ng registered SIM cards sa ibang tao na isang paglabag sa batas, binigyang-diin ni Castelo ang pangangailangan para sa multi-stakeholder efforts at pinalakas na law enforcement campaign upang tugunan ang hamon na kinakaharap ng kampanya ng pamahalaan laban sa online scams na ang mga biktima ay kadalasan mga hard earner.

Aniya, “we will actively work with the law enforcers in verifying the data on pre-registered sim cards which were confiscated during their operations, and we will readily undertake proactive measures to prevent further commission of cybercrimes.”

Sa pagtatapos ng registration period para sa existing SIMs noong July 25, 2023, at ng five-day grace period noong July 30, 2023, nakumpleto na ng Globe ang deactivation ng unregistered SIMs.

Patuloy ring isinulong ng Globe ang kampanya laban sa spam at scam messages sa pamamagitan ng isang well-established system of detection at SMS blocking. Pinatatakbo nito ang 24/7 Security Operations Center na pinalakas ng investment na 20 million U.S. dollar para sa stringent filtering infrastructure.

Sa isang statement, sinabi ng Globe na nagmamantina ito ng isang ‘Stop Spam’ portal kung saan maaaring mag-report ang mga subscriber ng spam at scam messages na kanilang natatanggap.

Nakahanda rin umano ang Globe na makipagtulungan sa Philippine National Police sa pagtatatag nito ng sariling spam at scam reporting system kung saan maaaring mag-report ang publiko ng text o call related fraud.

“As proof of its desire to be a valuable partner of the government in curbing online scams, Globe is proud to report that it is the only telco that strictly blocks all person-to-person SMS with links, a measure it introduced in September last year. With this strict blocking protocol, Globe continues to reach record high in its spam and scam SMS blocking with more than 2.2 billion from January to June 2023 alone,” pagtatapos na pahayag ni Castelo.

AUTHOR PROFILE