Darryl

PBBM, kina-career ni Direk Darryl na dumalo sa grand presscon ng ‘MoM’

February 4, 2023 Ian F. Fariñas 404 views

PBBM

Marco

TOKYO, JAPAN — MAY posibilidad na dumalo sa grand presscon ng Martyr or Murderer (MoM) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

‘Yan ang isa sa mga ibinalita ng controversial director na si Darryl Yap nang saglit na makausap dito ng grupo namin nina Jun Lalin, Gorgy Rula at Dondon Sermino via an audio call sa Facebook Messenger nitong Biyernes, February 3.

Ayon kay Direk Darryl, “We are trying our best to get the President to the ano, ah, grand presscon late ng February, we are trying our best.”

Ang Martyr or Murderer (MoM) ang second installment sa blockbuster trilogy na Maid in Malacañang (MiM) at Mabuhay, Aloha, Mabuhay (MaM) na produced by Viva Films at VinCentiments.

Pinagbibidahan muli ito nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz kasama sina dating Manila Mayor Isko Moreno (bilang dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino) at Marco Gumabao (bilang young former Pres. Ferdinand Marcos Sr.).

Medyo madugo ang naging filming ng MoM dahil may ilang eksena na kinunan sa Morocco.

Sa ngayon, kwento pa ni Direk Darryl, nakaka-15 revisions na sila ng official trailer na mapapanood sa February 9.

Bago ito, naging kontrobersyal din ang official teaser at primer ng MoM na as of this writing ay hindi pa ina-announce ang playdate ngayong 2023.

Kahapon, inilabas ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account ang litrato ng buffed na si Marco habang nagwo-workout.

Sa kuha ay naka-shorts lang ang aktor, walang T-shirt kaya naman litaw ang lean na pangangatawan nito at ang kanyang abs.

“Martial ugh!” lang ang caption ng direktor sa ibinahaging picture ni Marco sa FB.

AUTHOR PROFILE