Paolo

Paolo sa pagtanggap sa ‘Eat Bulaga’: Trabaho lang, walang personalan

June 6, 2023 Vinia Vivar 417 views

“Trabaho lang, walang personalan.”

Ito ang paliwanag ng veteran talent manager/showbiz writer na si Lolit Solis sa pagpayag ng alaga niyang si Paolo Contis na maging bahagi ng bagong Eat Bulaga ng TAPE, Inc. sa GMA-7.

As we all know, bumalik sa ere last Monday (May 5) ang noontime show kasama ang new hosts kabilang na si Paolo.

Ayon kay ‘Nay Lolit, idolo ni Paolo sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o ang TVJ at kailanman ay hindi nito naisip na palitan o tapatan ang mga nirerespetong host.

“Bata pa siya fan na siya ng Tito, Vic and Joey. Ironic na nangyari ang ‘gulo’ ng TVJ at heto ngayon, isa sa hosts si Paolo Contis sa programa na ilalagay sa dating oras ng Eat Bulaga.

“Trabaho lang, walang personalan. Dahil kahit kelan hindi papasok sa isip ni Paolo na magiging katapat siya sa programa ng Tito, Vic at Joey,” ang pahayag ni ‘Nay Lolit sa kanyang Instagram account.

Paliwanag pa ng veteran talent manager/columnist, “Under siya ng management ng GMA Artists Center at kung anong trabaho ang ibigay sa kanya, tinatanggap niya. A good soldier following his superior.”

Naniniwala rin si ‘Nay Lolit na hindi naman siguro ito magiging dahilan para magkaroon ng bad blood sa pagitan ni Paolo at ng TVJ.

“Talagang hindi mo maiiwasan mga ganitong pangyayari. Kahit nga si Paolo hindi akalaing mangyayari ito pero iyon ang gusto ng management niya, at palagay ko naman hindi magiging dahilan para magkaroon ng bad blood sa mga involved,” aniya.

Sa huli ay sinabi niya na hangad niya na maging tagumpay ang dalawang Eat Bulaga na magbabanggaan sa ere.

“Sana nga both parties maging matagumpay, dahil maliit lang mundo ng showbiz. Hindi na dapat meron pang maliliit na kaguluhan. Dapat lahat maayos. More work, the better. More shows mas magaling. Basta trabaho, go lang, mas bongga,” pagtatapos ni ‘Nay Lolit.

Samantala, sa interbyu ni Paolo pagkatapos ng pilot episode nu’ng Lunes ay sinabi niya na wala silang balak palitan ang TVJ.

“We’re very honored na kami ‘yung napili to continue the show. Siyempre, lilinawin lang naman natin na walang planong palitan, wala kaming chance palitan si Tito, Vic and Joey. Wala kaming chance du’n. We were just called to work to continue the show because gusto ng TAPE office na makapagbigay ng papremyo, saya, everyday,” pahayag pa ng aktor.

LIZZIE, MALA-SHARON CUNETA

LizzieDream come true para sa 15-year-old new singer na si Lizzie Aguinaldo ang maging contract artist ng Star Music at magkaroon ng sariling single.

Sey niya sa grand media launch ng kanyang single na Baka Pwede Na composed by Direk Joven Tan, hindi siya makapaniwalang darating ang time na makakapag-record siya ng sariling single.

“Dati kasi sa restroom lang ako kumakanta. Ngayon, nakapag-record na ako ng song sa totoong studio,” sambit ng dalaga.

Sa mediacon, inawit ni Lizzie ang kanyang single at ipinakita rin sa press ang music video nito.

Nakaka-LSS (Last Song Syndrome) ang song at parang naaalala namin sa kanya si Sharon Cuneta na ganyang edad din nang mag-debut as a singer via Mr. DJ.

“Noong una ko pong nakita ‘yung lyrics, na-in love po agad ako sa song. I said, ‘Wow! Ang bilis naman magsulat ng song ni Direk Joven Tan. I’m into pop music, at idol ko po ang Dua Lipa, at gusto kong i-try itong ballad na mayroong touch ng pagka-cute,” sey ni Lizzie.

“I hope people would jam with it whenever nasa mood na kinikilig or moment po na naaalala po ‘yung crush nila especially po sa generation ko. It is simple but it sets the whole vibe po,” she added.

Malaki ang pasasalamat ni Lizzie sa Star Music sa suporta at pagtitiwala na ibinigay sa kanya.

Present nga sa kanyang launching si Jonathan Manalo, creative director ng ABS-CBN Music.

Nagpapasalamat din si Lizzie sa kanyang mga kaibigan, kaklase at buong pamilya na suportado ang kanyang pangarap.

AUTHOR PROFILE